• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ardina, Guce bulilyaso sa 16th Symetra Tour 1st leg

SUMABLAY sa cut sina Dottie Ardina at Clariss Guce ng ‘Pinas sa kawawakas na 16th Symetra Tour 2021 first leg – $200K inaugural Carlisle Arizona Women’s Golf Classic sa Longbow Golf Club sa Mesa, Arizona.

 

 

Pumalo ng two-round 146 sa mga round na 74-72 ang US-based na si Guce upang humilera lang sa 12 magkakatabla para sa ika-62 puwesto sa tatlong araw na golfest.

 

 

Kabilang naman sa 12 magkakasalo para sa ika-79 na katayuan na mayroong 147 (75-72) ang taga-Laguna na si Ardina para magaya kay Guce na zero sa cash prizes sa 54-hole event.

 

 

Dinale si Ruixin Liu ng China ang korona ng torneo na sinabakan ng 107-player mula sa iba’t ibang panig ng daigdin.

 

 

Dinaig ng Chinese 17-taon pa lang at reigning US Women’s Amateur champion na si American Rose Zhang sa second hole ng sudden-death playoff para upang ibulsa ang $30K ₱1.4M. (REC)

Other News
  • PDU30 inutos ang paggamit ng digital payments sa gobyerno

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng departamento at ahensiya ng gobyerno ang paggamit ng digital payment services.     Sa Executive Order 170 na nilagdaan ni Duterte noong Mayo 12, nakasaad na nakita ang mga benepisyo ng digital payment services sa iba’t ibang sektor sa kasagsagan ng COVID-19.     Nakasaad sa EO […]

  • VP Sara, sinabing darating ang panahon na hindi na siya ‘sasali’ pa sa pulitika

    INIHAYAG ni Vice President Sara Duterte na darating ang panahon na hindi na siya ‘sasali’ pa sa pulitika.   Tugon ito ng Bise Presidente nang matanong kaugnay sa payo sa kaniya ng kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte na umalis sa pulitika at mamuhay na lamang ng mapayapang buhay.   Napatawa naman ang […]

  • Para kay Panelo, binatang may autism, imposibleng mang-agaw ng baril at manlaban sa pulis

    IMPOSIBLE para sa pinatay na binatang may “special needs” ang mang-agaw ng baril at manlaban sa isinagawang raid sa illegal cockfight sa Valenzuela City.   Namatay ang 18 anyos na si Edwin Arnigo sa gitna ng operasyon kontra tupada nitong Linggo.   Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na kailangang maimbestigahang mabuti ang […]