• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Arevalo nagkampeon sa US, binulsa P145K

PASIKLAB si sophomore pro Abegail ‘Abby’ Arevalo ng six-under par 66 para sa 17-under 199 at sungkitin ang ang unang titulo sa katitiklop na 3rd The Cactus Tour 2021 Stallion Mountain Championship sa Las Vegas, Nevada, United States.

 

 

May kalakip ang wire-to-wire win ng 2020 Philippine Ladies Amateur Open champion, San Jose State University psychology graduate at tubong Parañaque City, na $3K (P145K),  may bentahe siyang 11 palo kina Corinne Viden ng Sweden (68-210) at hometown bet amateur player Morgan Goldstein (70-210).

 

 

Ang 21 taong-gulang na si Arevalo ang ikatlong Pinay shotmaker na nagbida sa US soil pagkatapos ni Pauline del Rosario at Yuka Saso.

 

 

Namayaagpag si Del Rosario sa 3rd Women’s All-Pro Tour 2021 5th leg WLN Central Arkansas Open sa Conway, Arkansas noong Mayo 12-14 na may kalakip na $8K (P387K)

 

 

Nagreyna naman si  Saso sa 72nd Ladies Professional Golf Association Tour 2021 13th leg 76th U.S. Women’s Open Golf Championship sa San Francisco, California noong Hunyo 3-6 na may gntimpalang $1M o P48M. (REC)

Other News
  • Netizens, naniniwalang deserving at may ‘good heart’ ang aktor: KYLIE, nag-post nang nakaka-touch na mensahe para sa ama na si ROBIN

    NAG-POST nang nakaka-touch na mensahe si Kylie Padilla para sa kanyang ama na si Robin Padilla na nangunang Senador sa katatapos lang na halalaan noong Mayo 9. Ayon sa bida ng Bolera na mapanonood na sa May 30 sa GMA Telebabad, “I approached this like you were not my dad. I did my homework. I did my research. I […]

  • LRTA: Fare hike di minamadali

    WALA sa plano ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na madaliin ang pagpayag na magkaroon ng pagtataas ng pamasahe sa Light Rail Transit Lines 1 & 2.     “The fare hike request must go through the regulatory process such as public consultations. Thus, there is no rush the approval of a petition for fare […]

  • Mga dating manlalaro at staff ng Alaska Aces nalungkot sa pag-alis ng koponan sa PBA

    NAGPAHAYAG ng kanilang kalungkutan ang mga dati at kasalukuyang manlalaro maging ang coach ng Alaska Aces dahil sa pagtatapos na ng koponan ng franchise nito sa Philippine Basketball Association (PBA).     Sa kani-kanilang mga social media ay ibinahagi ng ilang mga dating manlalaro ang mga magagandang alaala sa paglalaro sa Aces.       […]