Arrest order ng China simula na ngayon
- Published on June 17, 2024
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tuloy lamang sila sa kanilang tungkulin sa kabila ng banta ng China na sisimulan na ngayon ang paghuli sa mga “trespassers” sa South China Sea at ilang lugar sa West Philippine Sea.
Ayon kay AFP Public Affairs Office chief Col. Xerxes Trinidad, tuluy-tuloy lang sila sa kanilang maritime patrol sa lugar na sakop ng Pilipinas.
Mananatiling matatag ang kanilang puwersa sa pagtatanggol at pagbibigay-proteksiyon sa karapatan ng bansa gayundin ang kaligtasan ng kanilang mga tauhan sa WPS.
Sinabi ni Trinidad na ang anti-trespassing policy ng China na magsisimula ngayon ay pagbalewala sa international maritime rules and regulations.
Ani Trinidad, hindi magpapaapekto at matatakot ang Pilipinas sa mga banta at harassment ng China.
“The presence and actions of its vessels in our waters are illegal, coercive, aggressive and deceptive. We will not be deterred or intimidated,” ani Trinidad sa ABS-CBN News.
Sa ilalim ng regulasyon ng China, aarestuhin ang sinumang indibidwal na iligal na papasok sa kanilang katubigan at ikukulong ng 60 araw o sa loob ng dalawang buwan ng walang paglilitis.
Una nang sinabi ni Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad na hindi nila papayagang arestuhin ng China ang sinumang Pilipino na papasok sa WPS.
Sa katunayan, dinagdagan na rin nila ang mga magpapatrolya sa WPS. Maging ang ibang bansa ay handang tumugon sa Pilipinas. (Daris Jose)
-
Target na 200-M COVID-19 vaccinations ng Amerika, naabot na
Masayang inanunsyo ni United States President Joe Biden na naabot na ng kanyang administrasyon ang target nito na mabakunahan ang 200 milyong Amerikano laban sa coronavirus disease. Inanunsyo ni Biden na 200 milyong mamamayan na ng Amerika ang nabakunahan ng COVID-19 vaccine sa loob lang ng 100 araw nito bilang pinuno. […]
-
Nationwide issuance ng 10-year drivers’ licenses nakatakda sa Disyembre
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nangako ang Land Transportation Office (LTO) na sisimulan na nito ang nationwide issuance ng drivers’ licenses na mayroong 10-year validity sa buwan ng Disyembre ngayong taon. “By December 2021, the LTO commits that all its offices nationwide will be issuing licenses with a 10-year validity,” ayon kay […]
-
PDu30, maayos ang kalusugan-Malakanyang
“HE is as good as anyone of his age.” Ito ang tugon ng Malakanyang sa mga nagtatanong at naghahanap kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga araw na nananalasa at bumabayo ang super typhoon rolly sa bansa. Ang hindi pagdalo ni Pangulong Duterte sa kauna-unang public briefing habang nananalasa ang bagyong rolly ay […]