PDu30, maayos ang kalusugan-Malakanyang
- Published on November 4, 2020
- by @peoplesbalita
“HE is as good as anyone of his age.”
Ito ang tugon ng Malakanyang sa mga nagtatanong at naghahanap kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga araw na nananalasa at bumabayo ang super typhoon rolly sa bansa.
Ang hindi pagdalo ni Pangulong Duterte sa kauna-unang public briefing habang nananalasa ang bagyong rolly ay ginamit ng mga kritiko ni Pangulong Duterte para ungkatin ang kanyang kalusugan.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kung nasa masamang kondisyon ang kalusugan ng Pangulo, 75, ay hindi nito magagawang bisitahin ang typhoon-battered Guinobatan, Albay.
Nauna rito, habang pabalik sa Maynila mula sa Davao ay nagsagawa kahapon ng aerial inspection si Pangulong Duterte sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Rolly sa Bicol at CALABARZON.
Wala namang ideya si Sec. Roque kung aksidenteng inalis o kusang tinanggal ni Pangulong Duterte ang suot nitong face mask.
“Ang importante po, nakarating po doon sa Guinobatan… Kung natanggal man ang mask niya, iyong danger ay na kay Presidente. Pero hindi po niya natiis ang mga Bicolano, pinuntahan niya. He exposed himself to the threat of COVID-19,” aniya pa rin.
-
Pamahalaan walang balak gawing pribado ang NAIA
Walang balak muna ang Marcos administrasyon na ibenta o maging pribado ang pamamahala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahit na may ginagawa at tinatayong tatlong paliparan na malapit sa Metro Manila. “The government will maintain NAIA as the country’s primary gateway as it intends to use airports around Metro Manila as […]
-
Never nag-regret na nagpakasal: CARLA, wala ng chance na makikipagbalikan pa kay TOM
NALUNGKOT ang mga fans ng Pambansang Ginoo na si David Licauco, nang aminin niya sa interview ng Kapuso Showbiz News, na nakakaranas siya ng sleep apnea, at kailangan niyang magpagamot sa isang specialist. Ngayon pa naman namamayagpag ang career ni David sa pagganap niya bilang si Fidel, katambal si Barbie Forteza as Klay, […]
-
Ads November 29, 2022