ASEAN leaders, opisyal na sinimulan ang 43rd summit sa Indonesia
- Published on September 6, 2023
- by @peoplesbalita
OPISYAL na sinimulan ng mga top leaders ng ASEAN member-states, araw ng Martes ang 43rd ASEAN Summit sa Jakarta Convention Center sa Indonesia.
Dumalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa opening ceremony kasama sina ASEAN Summit Chair at Indonesian President Joko Widodo, Brunei’s Sultan Hassanal Bolkiah, Cambodia Prime Minister Hun Manet, Lao PDR Prime Minister Sonexay Siphandone, Malaysia Prime Minister Anwar Ibrahim, Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong, Vietnam Prime Minister Pham Minh Chinh, Mark Brown, Prime Minister of Cook Islands, Bangladesh President Mohammed Shahabuddin at Timor-Leste Prime Minister Xanana Gusmaño.
Tumayo namang kinatawan ng Thailand ang permanent Secretary for Foreign Affairs na si Sarun Charoensuwan.
Kasama ni Pangulong Marcos ang kanyang asawang si Unang Ginang Liza Araneta-Marcos.
Ginawa naman ng mga lider ng ASEAN member-states ang traditional handshake sa nasabing seremonya.
Si Pangulong Marcos ay mananatili sa Indonesia hanggang Huwebes, Setyembre 7 para dumalo sa ASEAN main events at maging sa iba pang summits.
Dumating ang Pangulo sa Jakarta, Lunes ng gabi.
Magtatapos ang 43rd ASEAN Summit sa Setyembre 7 na may handover ceremony ng ASEAN chairmanship mula Indonesia tungo sa Laos.
Nauna rito, sinabi ng Malakanyang na may 13 leader-level engagements ang dadaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa 43rd Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit sa Jakarta Indonesia.
Kabilang sa mga dadaluhan ng pangulo ang ASEAN Summit Plenary Session, opening ceremony ng ASEAN Indo-Pacific Forum, at 43rd ASEAN Summit Retreat Session.
Dadalo rin ang pangulo sa 26th ASEAN-China Summit, 24th ASEAN-Republic of Korea Summit, 26th ASEAN-Japan Summit, 26th ASEAN Plus Three Summit, ASEAN-US Summit, at ASEAN-Canada Summit.
Dadalo rin si Pangulong Marcos sa 20th ASEAN-India Summit, 18th East Asia Summit, 3rd ASEAN-Australia Summit, at 30th ASEAN-UN Summit.
Una rito, sinabi ni Pangulong Marcos na tatalakayin niya sa ASEAN ang usapin sa West Philippine Sea.
May bilateral meetings din si Pangulong Marcos sa ilang kapwa ASEAN leaders. (Daris Jose)
-
Thirdy Ravena, prayoridad pa ring makapaglaro sa Gilas kahit sa Japan na maglalaro
Hindi pa rin binibitawan ni dating Ateneo Blue Eagles star player Thirdy Ravena na mapabilang sa Gilas Pilipinas. Ito ang kinumpirma ni Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio, kahit na kinuha na siya na maglaro sa isang koponan ng Japan Basketball League. Si Ravena kasi ang kauna-unang Filipino na pumirma at […]
-
PAL muling binuksan ang passenger flights papunta Saudi Arabia
Muling binuksan ng Philippine Airlines ang kanilang passengers flights papuntang Saudi Arabia matapos ang dalawang linggong pagkahinto ng serbisyo nito. Noong nakaraang Jan. 4 ay nagsimulang kumuha ng mga pasahero sa kanilang flights ang PAL matapos na alisin ng pamahalaan ng Saudi Arabia ang kanilang temporary suspension ng mga international flights. Ang passenger […]
-
Ads February 17, 2022