• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ASF lumalala?!

KASABAY nang tinututukang kontrobersiyal na prangkisa ng ABS-CBN, pagkalat ng COVID-19 at ‘Pastillas Modus’ sa Bureau of Immigration, dumarami pa rin ang umaaray sa African Swine Fever (ASF) at patuloy ang paglaganap ng virus sa mga alagang baboy sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

 

Kailangan nang itodo ang paghihigpit ng local government units (LGUs) sa pamamagitan ng pagpapatupad ng quarantine at checkpoint sa lahat ng entry at exit points ng kanilang nasasakupan. Isa ito sa mga paraan upang matiyak na walang nakapupuslit na produkto na maaaring pagsimulan ng nasabing virus.

 

Kung lahat ay magtutulungan mula sa LGU hanggang sa mga nag-aalaga ng baboy, mas madaling masusugpo ang ASF. Kung may makitang banta o kaso ng virus, kailangang ipagbigay-alam agad sa mga kinauukulan.

 

Sa ganitong paraan ay maiiwasan ang paglala ng sitwasyon, huwag na huwag sanang sumagi sa isipin na damay-damay, dahil lalo tayong malalagay sa alanganin.

 

Minsan, talagang may kailangang magsakripisyo alang-alang sa nakararami. Bukod sa mga checkpoint, malaking tulong din ang pagpapatupad sa national zoning plan.

 

Kasabay nito ang pakiusap sa mga opisyal ng lugar na huwag nang mag-atubiling magdeklara ng state of emergency kung lalawak pa ang ASF, para na rin sa agarang tulong na maihahatid sa mga apektado ng ASF.

Other News
  • Mga fans at netizens, halu-halo ang naging reaction: SIXTO, niregaluhan ng wooden ‘Pinocchio’ nina DINGDONG at MARIAN

    PARA sa fourth birthday ni Sixto IV last Sunday, April 16, isang wooden Pinocchio angregalo nina Marian Rivera at Dingdong Dantessa bunso nila.     Favorite daw kasi ni Sixto na panoorin ang “Pinocchio”, ayon kay Dingdong.   Kasama ang series of photos, nilagyan ito ng caption ng host ng top-rating show na ‘Family Feud’ […]

  • Canadian caddie ni Yuka na-heat stroke

    Isinugod sa ospital ang Canadian caddie ni 2021 US Women’s Open Yuka Saso dahil sa heat stroke isang araw bago ang pagsisimula ng Tokyo Olympics women’s golf competition sa Kasumigaseki Country Club.     Si Lionel Matichuk ay papalitan ni national team coach Miko Alejandro para gaba­yan si Saso, ayon sa National Golf Association of […]

  • Bong Go: I-update listahan ng indigent senior citizens

    HINIKAYAT ni Senador Bong Go ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na i-update ang kanilang listahan ng mga mahihirap na senior citizens para masiguro ang tamang implementasyon ng batas na nagtataas sa kanilang Social Pension.     Ayon kay Go, layon ng Republic Act No. 11916 na itaas ang pension ng mahihirap na […]