Asia’s 1st Grandmaster Eugene Torre iniluklok sa Hall of Fame ng World Chess Federation
- Published on April 23, 2021
- by @peoplesbalita
Bumuhos ang pagbati matapos iluklok sa World Chess Hall of Fame ng World Chess Federation si Filipino Grandmaster Eugene Torre.
Sinabi ng 69-anyos na Iloilo native, labis itong natutuwa at “proud” dahil siya ang unang Asian male player na nominado sa FIDE.
Sinundan nito ang yapak ni dating women’s world champion Xie Jun ng China na ginawaran ng Hall of Fame noong 2019.
Nakasabay nitong na-induct sa Hall of Fame sina Argentine GM Miguel Najdorf at GM Judit Polgar ng Hungary.
Mula nang itatag ang Hall of Fame awardees nasa 37 pa lamang na mga pangalan ang kinilala sa prestihiyosong listahan.
Kung maalala unang naging grandmaster sa Asya si Torre noong 1974 sa edad lamang na 22-anyos at noong 2016 ay kinilala rin siyang Philippine Sports Hall of Fame.
Mula ng lumabas ang nasabing balita ay bumuhos din sa social media ang pagbati kay Torre mula sa iba’t ibang sports personalities sa bansa pati na sa Philippines Olympic Committee at iba pang mga sports bodies.
Si Casto Abundo ng Pilipinas na miyembro ng FIDE historical committee ang siyang nag-nominate kay Torre. Ang iba pang bahagi ng komite ay ang chairman na si Willy Iclicki ng Belgium, Andrzej Filipowicz ng Poland at Berik Balgabaev mula sa Kazakhstan.
-
Final guidelines para sa 2022 polls, ilalabas sa 4Q ng 2021 – Comelec
Ilalabas ng Commission on Elections (Comelec) sa huling quarter ng 2021 ang final guidelines para sa 2022 national elections. Ayon kay Comelec Chairman Sheriff Abas, binabalangkas pa nila ang mga guidelines na ihahanay sa umiiral na sitwasyon ng COVID-19 pandemic, na inaasahang tatagal pa hanggang sa halalan. “Ongoing pa yung aming […]
-
Wala nang mahihiling pa dahil ‘#blessed’ na: ‘Gift of Life’, pinaka-best birthday gift na natanggap ni MAINE
MAY nakarating nga sa aming balita na anytime, may balak na raw mag-propose si Arjo Atayde. Pero dahil wala pang lumalabas kung naganap na ba ito o hindi pa, baka naman nga humahanap pa ng tamang timing ang actor. Kaya nang matanong si Maine Mendoza kung ano ang best gift na […]
-
Communication plan sa pagbubukas ng ekonomiya, ilalatag ng gov’t – Palasyo
Maglalatag ng communication plan ang pamahalaan sa harap ng sinisimulan ng pagbubukas ng ekonomiya sa bansa. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, tatawagin nila itong ‘Ingat Buhay Para sa Hanapbuhay.” Ayon kay Sec. Roque, paghahanap-buhay lang talaga ang nakikitang pamamaraan ng pamahalaan para muling makabangon ang ekonomiya at sa harap ng agam-agam ng […]