Ateneo paghahandaan ang NU
- Published on April 5, 2022
- by @peoplesbalita
WALANG makatibag sa defending champion Ateneo na solo na ang liderato sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament.
Maging ang mortal nilang karibal na La Salle ay walang naisagot sa malakas na puwersa ng Blue Eagles sa kanilang paghaharap noong Sabado sa Mall of Asia Arena.
Inilampaso ng Ateneo ang La Salle, 74-57, para palawigin ang kanilang winning streak sa 30 games.
Hindi pa nakakatikim ng kabiguan ang Blue Eagles sa liga sapul nang matalo sa Far Eastern University Tamaraws, 60-63, noong Oktubre 10, 2018.
Sa kabila ng solidong laro ng Ateneo ay itinuturing pa rin ni head coach Tab Baldwin na mahirap ang panalong ito dahil hindi kaagad bumitiw ang La Salle hanggang sa huling sandali ng laro.
“Tough game. It was never comfortable until the end. The defense was solid in the game as was theirs,” wika ni Baldwin.
Matayog ang lipad ni naturalized player Angelo Kouame na nagtala ng 16 points, habang solido ang kontribusyon nina Dave Ildefonso at Gian Mamuyac na may 12 at 11 markers, ayon sa pagkakasunod.
Walang balak magpahinga ang Blue Eagles dahil nakatutok sila sa susunod na laro laban sa Bulldogs.
Move on na muna sa La Salle dahil sunod na tatargetin ng Ateneo ang win No. 5 laban sa National University bukas,
“I think both teams played themselves to a standstill,” sabi ni Baldwin. “It was a great Ateneo-La Salle game. We are looking forward to NU this Tuesday. It doesn’t get easier.”
-
DSWD: P935 milyong educational ayuda, naipamahagi na
UMAABOT na sa mahigit P935 milyong halaga ng educational assistance ang naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mahigit 370,000 student beneficiaries mula ng ipinatupad ang naturang programa. Ayon kay DSWD Undersecretary Jerico Javier, hanggang noong Setyembre 10, aabot na sa P935,971,800 ang kabuuang halaga na naipamahagi nila sa […]
-
DINGDONG, personal na naranasan ang hirap ng isang delivery rider; MARIAN, muling ipinasilip ang ‘bikini body’
PERSONAL na naranasan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang matinding hirap na pinagdaraanan ng isang delivery rider. Noong Valentine’s Day, isa nga si Dingdong sa nag-deliver sa natanggap na orders sa kanilang delivery app business na DingDong na ni-launch last year at may masuwerteng nakatanggap din ng regalo mula sa Dunkin’ Donuts […]
-
Pagpapatupad ng universal health care, isa sa “biggest projects” ni PBBM
ISA sa “biggest projects” ng administrasyong Marcos ang ipatupad ang Universal Health Care Act. Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang naging talumpati sa Koronadal City, South Cotabato, nang idaos ang paglulunsad ng Healthcare System and Referral Manual para sa lalawigan. Ayon sa Pangulo, siya at ang bagong […]