• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Atletang ‘di kasama sa Vietnam SEAG, babakunahan din

Lahat ng mga national athletes ay bibigyan coronavirus disease (CO­VID-19) vaccines kahit ang mga hindi sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Ito ang inaprubahan kahapon ng pamahalaan sa pamamagitan ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emer­ging Infectious Diseases (IATF-EID) at Department of Health (DOH).

 

 

Noong Biyernes ay tinurukan ng COVID-19 vaccine na Sinovac ang mga miyembro ng Team Philippines na lalahok sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan sa Hulyo at sa Vietnam SEA Games sa Nobyembre.

 

 

“This is another great news for our national athletes and for all of Philippine sports,” ani Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino sa natanggap niyang balita mula kay Vince Dizon, ang deputy chief implementer ng National Task Force Against COVID-19.

 

 

Halos 730 Olympic at SEA Games-bound de­legates ang binigyan ng first dose ng Sinovac noong Biyernes

Other News
  • MRT 4 groundbreaking sa first quarter ng darating na taon

    UMAASA ang Department of Transportation (DOTr) na magkakaron ng groundbreaking ang Metro Rail Transit Line 4 (MRT4) sa loob ng darating na unang quarter ng taong 2025.     “The groundbreaking will be next year, we are just finalizing the project’s detailed engineering design and hopefully by the first quarter,” wika ni DOTr Secretary Jaime […]

  • Panukalang pag-amyenda sa Contractor’s License Law, pasado na

    Nagkakaisang ipinasa ng Kamara sa huling pagbasa ang House Bill 7808 o ang “Contractors’ License Law“.     Sa botong 200, pasado na sa plenaryo ang panukala, na pangunahing iniakda ni Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr., at naglalayong isulong ang kaunlaran sa pagnenegosyo ng pangongontrata, sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng kakayahan sa konstruksyon sa mga […]

  • Battle of liberos inaabangan din sa PVL

    Maliban sa nagtataasang talon at malulupit na atake ng pinakamahuhusay na top spikers sa bansa, inaaba­ngan na rin ng lahat ang salpukan ng mahuhusay na libero sa Premier Volleyball League (PVL).     Sa kauna-unahang pagkakataon, magsasama-sama ang matitikas na players sa bansa sa Open Conference ng liga na puntiryang simulan sa Mayo sa Inspire […]