• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Austria, bukas para mag-hire ng 200,000 Filipino sa darating na taon

LOOKING forward ang Austrian government na tumanggap ng mas maraming Filipino worker,  dahil sa  mahigit sa 200,000 job openings ang magiging available sa mga darating na taon.

 

 

Sa isang joint statement ng  Department of Migrant Workers at  Austrian Delegation on the Hiring of Filipino Workers for Austria, kailangan ng bansa  ng  75,000 healthcare workers mula sa 60,000  na may karagdagang 200,000 job openings sa lahat ng industriya.

 

 

“Our partnership with the Philippine government through the DMW will create a win-win situation, providing employment opportunities for skilled Filipino workers while contributing to the growth of Austria’s economy,” ayon kay Austrian Ambassador to the Philippines Johann Brieger.

 

 

Samantala, sinabi ni DMW Secretary Susan Ople na kailangang lagdaan ang isang memorandum of agreement kasama ang  Austrian government sa planong mag-hire ng mga Filipino worker.

 

 

“Upon the advice of the Department of Foreign Affairs, we would need to sign a Memorandum of Understanding to set the tone and define the parameters of our partnership with the Austrian Federal Economic Chamber and the Federal State of Vienna,” ani Ople.

 

 

Ayon kay Ople, ang Pilipinas at Austria ay kapuwa nabibilang sa  Tier 1 category sa US State Department’s Trafficking in Persons Report, nangangahulugan na mayroon ang mga ito ng sapat na mekanismo at batas para mapigilan ang  human trafficking.

 

 

Makikita naman sa data ng DMW na mayroong 5,824 overseas Filipino workers sa Austria, kung saan 1,220 sa mga ito ay nagtatrabaho sa “hospitality at food service sector, at 749  sa health at social work service. (Daris Jose)

Other News
  • SHARON, walang pakialam na pinost ang teaser ni POPS para sa ‘Centerstage’ kahit katapat ng ‘YFSF’

    MAPUPURI mo talagang magmahal ng friends niya si Megastar Sharon Cuneta.      Like na lamang nitong nakaraang ilang araw, nag-post si Sharon sa Instagram niya na humihingi ng dasal para sa kanyang TF, na si Fanny Serrano na na-stroke at dasal din niya, “Please Lord…don’t take him away from me yet…Don’t leave me, my […]

  • Sec. Roque, naka-isolate sa bahay

    ISINAPUBLIKO ni Presidential spokesperson Harry Roque na naka-isolate siya ngayon sa kanyang bahay.   Nilinaw ni Sec. Roque na  nagpositibo kasi sa Covid- 19 ang kanyang security detail kaya’t kahit wala naman aniya siyang sintomas ay kailangan niyang sumunod sa protocol. ” Nagka-positive po ang aking security  detail. Wala naman po akong  sintomas but i’m […]

  • Ads March 8, 2021