• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ayaw i-reveal kung ano ang magiging partisipasyon: RURU, walang problema na kasama na si MIGUEL sa ‘Running Man Philippines 2’

AYAW i-reveal ni Ruru Madrid kung ano ang magiging partisipasyon niya sa season 2 ng ‘Running Man Philippines’ (RMP) na kasalukuyang nagte-taping ngayon sa South Korea.
“Ay! Abangan! Abangan!” ang nakangiting pakli ni Ruru sa interview sa kanya sa wedding anniversary party nina Gladys Reyes at Christopher Roxas.
Samantala, tulad ng alam na ng publiko, dahil ongoing ang ‘Black Rider’ (kung saan magkasama sina Ruru at Gladys) ay new cast member ng RMP si Miguel Tanfelix na dating ka-loveteam ni Bianca Umali na kasintahan ngayon ni Ruru.
At paglilinaw ni Ruru sa mga nag-isip na pinalitan siya ni Miguel sa RMP, “Parang ano po, additional.”
Wala namang problema na magkasama sa RMP sina Ruru at Miguel at hindi naman raw kailangan ipagpaalam kay Ruru na isasali si Miguel sa show.
“Wala. Wala na pong paalam. I don’t think kailangan pa po ng paalam.
“Kasi, I mean… ang tagal na panahon na, di ba? “Parang wala nang isyu,” pahayag ni ni Ruru.
Sa tanong naman kay Ruru kung ano si Bianca sa buhay niya…
“Si Bianca ang buhay ko” ang masayang bulalas ng aktor.
Si Bianca raw ang babaeng pakakasalan niya.
“Siya na, siya na! Wala nang pagdadalawang-isip. “It’s my final answer!
“Always and forever, yun ang sagot ko.
“I mean siyempre kapag nagmahal, you’re hoping na talagang siya na.
“Hindi naman natin alam kung ano yung mga mangyayari sa future but pipilitin naming piliin ang isa’t isa araw-araw,” napaka-sweet na sinabi pa ni Ruru.
(ROMMEL L. GONZALES) 
Other News
  • EPIC ACTION ADVENTURE “THE WOMAN KING” REVEALS FIRST TRAILER

    BOW down to the most exceptional female warrior to ever live.   Check out the first trailer of Columbia Pictures’ epic action-adventure The Woman King, rising soon exclusively in cinemas across the Philippines.   YouTube: https://youtu.be/Urnw1iqXI9E   About The Woman King:   The Woman King is the remarkable story of the Agojie, the all-female unit […]

  • Sasali pa rin kahit gumaganda na ang showbiz career: HERLENE, patuloy na isusulong ang pagta-Tagalog sa mga pageants

    SOLID DongYan fan ang sikat na vlogger na si Zeinab Harake kaya naman hindi kataka-taka na napaiyak siya noong makita at makaharap niya ng personal sa isang event ang magandang misis ni Dingdong Dantes na si Marian Rivera.     Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” ay ikinuwento ni Zeinab na lahat […]

  • Public schools na may free Wi-Fi ‘kumonti sa 1.8%’; senador dismayado

    WALA pang 2% ng mga pampublikong paaralan ang merong libreng access sa internet Wi-Fi sa Pilipinas ayon sa isang senador — ito kahit limang taon na matapos maisabatas ang Republic Act 10929 o Free Internet Access in Public Places Act.     Ito ang pinuna ni Sen. Sherwin Gatchalian, sa isang pahayag na inilabas ngayong […]