Ayo, Miguel wanted sa IATF
- Published on August 29, 2020
- by @peoplesbalita
KAILANGANG mkipagkita na sina coaches Aldin Ayo ng University of Santo Tomas (UST) Growling Tigers at Norman Miguel ng National University (NU) Lady Bulldogs o kanilang kinatawan sa Martes, Setyembre 1 sa Inter-Agency Task Force (IATF) o government panel inquiry team para sa quarantine violation ng kanilang koponan.
Kumalat sa social media ang training bubble ng España-based men’s basketball team sa Sorsogon nitong Hunyo-Agosto kasabay sa away ni Ayo at dating team skipper Crispin John Cansino.
Nabisto rin sa socmed ang training camp ngBustillos-base women’s volleyball team saisang sangay ng campus sa Laguna sa kabila na may COVID-19 pa.
Sa ilalim ng batas, hindi pa maaring ang dalawang kasapi ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) na mag-ensayo,. Tanging ang professional sports na basketball at football pa lang ang pinayagang makabalik nitong August 25.
Ang komposisyon ng probe panel ay ang Philippine Sports Commission (PSC), Department of Health (DOH), Games and Amusements Board (GAB) at Commission on Higher Education (CHED). (REC)
-
Plano ni Sec. Roque sa politika, nakasalalay sa population protection
KAILANGAN na makamit muna ng bansa ang population protection bago pa magdesisyon si Presidential Spokesperson Harry Roque kung ano talaga ang kanyang plano sa pulitika. Nakasama kasi ang pangalan ni Sec. Roque sa senatorial lineup ng ruling party para sa 2022 national elections na isinasapinal na ngayon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. “So, […]
-
Bigtime drug pusher, tiklo sa P16 milyon shabu sa Malabon
NASABAT ng mga awtoridad ang mahigit P16 milyon halaga ng shabu sa isa umanong notoryus drug pusher na listed bilang High-Value Individual (HVI) matapos maaresto sa buy bust operation sa Malabon City. Pinuri ni Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, ang Malabon police sa pamumuno ni P/Col. Amante […]
-
P238K halaga ng shabu, nasamsam, 3 arestado
ARESTADO ang tatlong hinihinalang sangkot sa illegal na droga kabilang ang isang security guard matapos makumpiskahan ng nasa P238K halaga ng shabu sa buy-bust operation ng Valenzuela City Police sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi. Kinilala ng bagong hepe ng Valenzuela Police na si P/Col. Fernando Ortega ang mga naarestong suspek na si Ronaldo […]