• November 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ayos lang iyan Sotto!

ANG sakit naman nang nangyari kay National Basketball Association prospect Kai Zachary Sotto nang hindi na tanggaping bumalik at makapaglaro para sa Team Ignite na kumakampanya sa kasagsagang 20th NBA G League 2021 sa Estados Unidos ng Amerika dahil sa Coronavirus Disease 2019.

 

 

“Kai and the team both understood the challenges for him to rejoin Ignite given the current international travel constraints, quarantine times and health and safety protocols,” namutawi kay NBA G League president American  Shareef Abdur-Rahim nitong Martes sa isang inisyung pahayag.

 

 

Dinagdag pa niyang maaaring maging bahagi pa rin ang 18 year-old, 7-foot-3 Pinoy cage phenom ng Ignite sa hinaharap at dinalangin ang patuloy na tagumpay ng player hanggang sa maabot ang pangarap na makadating sa NBA ng USA rin.

 

 

Umalis ng America sa katapusan ng Enero at dumating ng ‘Pinas nitong Pebrero 2 sa pagpayag ng kanyang coach sa Ignite ang tubong Las Piñas City na basketbolista upang mag-reinforce dapat sa Gilas Pilipinas para sa 30th International Basketball Federation (Fiba) Asia Cup 2021 Qualifiers third & final window sa bansa nitong Peb. 18-22.

 

 

Pero kinansela ang event sa Clark dahil sa Covid-19, inilipat man sa Doha pero ‘di rin natuloy sanhi ng pandemya kaya naudlot din ang ‘binyag’ niya sa PH men’s senior team  bago bumalik ng Tate para humabol sa Ignite.

 

 

Wala pang may kasalanan sa nangyari, kahit ang handler ni Sotto. Gusto lang niyang matulungan ang national quintet kahit isang panalo na lang kailangan sa sa tatlo pang laro sa torneo upang umabante sa FIBA Asia Cup 2021 tournament proper sa darating na Agosto sa Jakarta, Indonesia.

 

 

May 5-3 win-loss record ang Ignite na ginigiyahan ni Fil-Am Jalen Green.

 

 

Buhat sa Opensa Depensa, ayos lang iyan Kai. Basta tuloy mo pa rin ang pangarap mo. Kayod lang, maabot mo rin ang maging unang homegrown Pinoy na makapaglaro sa world major cage league. (REC)

Other News
  • PBBM pormal na inilunsad ang ‘Kadiwa ng Pangulo’ sa Bicol region

    PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang paglulunsad ng first Kadiwa ng Pangulo initiative sa Bicol region ngayong araw kung saan inihayag nito na malapit ng makamit ng Php 20 per kilo ng bigas na mas magiging abot-kaya para sa mga Pilipino.     Ayon sa Pangulo, matagumpay ang Kadiwa program na kaniyang inilunsad nuong […]

  • Babaeng dalaw sa kulungan, buking sa droga na itinago sa ari

    HINDI na nakalabas ng kulungan ang isang babaeng dadalaw lang sana sa nakakulong niyang kinakasama matapos mabisto ng babaeng jail officer ang shabu na itinago niya sa kanyang maselang parte ng katawan sa Caloocan City.     Ayon kay Caloocan City Jail (CCJ) Warden J/Supt. Jerome Verbo, alas-3:30 ng hapon nang dumating ang suspek na […]

  • Enrile, gustong ideklarang persona non grata ang ICC

    SINABI ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na hindi dapat payagan na makapasok ng bansa ang International Criminal Court (ICC) probers para magsagawa ng pormal na imbestigasyon hinggil sa kampanya laban sa illegal na droga ng pamahalaan.   “Pag punta dito, dapat wag papasukin sa bansa. Prevent him. The Immigration must not allow him […]