Ayuda sa LGUs tiniyak ‘pag nag-lockdown sa Omicron
- Published on December 8, 2021
- by @peoplesbalita
Magpapadala ng ayuda sa mga local government unit (LGU) na magla-lockdown ‘pag pumasok na ang Omicron variant sa bansa.
Ayon kay ACT-CIS Nominee Edvic Yap, naghahanda na rin ang kanilang grupo sa pagdating ng nasabing COVID-19 variant.
“Alam po namin na said na ang mga LGU sa ayuda para sa kanilang mga constituents dahil magdadalawang taon na itong pandemya,” ani Yap.
Dagdag pa niya, “mga bigas at delata ang ipapadala namin sa mga LGU sakaling maglockdown ang mga ito dahil sa Omicron.”
Kasabay nito, mariin pa ring ipinaalala ni Yap sa mga kababayan ang mga health protocols at magpabakuna para makaiwas sa Covid.
“Tuluy-tuloy pa rin po ang ayuda namin ng Erwin Tulfo Action Center sa mga nangangailangan ng mga gamot at maintenance araw-araw. Magsadya lang sa amin opisina sa Quezon City,” pahabol pa ng kapatid ni Cong. Eric Yap. (Gene Adsuara)
-
50-ANYOS NA MISTER KINADYOT SA LEEG
SUGATAN ang 50-anyos na lalaki ang matapos tarakan sa leeg ng hindi kilalang suspek nang tumanggi ang biktima sa alok ng isang babae na makipagtalik sa kanya sa Malabon City. Nasa stable na kondisyon habang ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) sanhi ng tinamong saksak sa leeg ang biktimang si alyas “Wilson”, ng […]
-
Fans ng actor, ‘di natuwa sa pinost na pictures… JOSHUA, sinasabing girlfriend na ang vlogger na si BELLA
ALIW ang mga nababasa naming comment ng mga netizens tungkol sa diumano’y “girlfriend” ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia. Walang kumpirmasyon, pero dahil sa pagpo-post ni Joshua ng mga picture ng vlogger na si Bella Racelis, nasundan pa ng picture nilang dalawa na magkasama. Pero bago kasi lumabas si Bella Racelis, may Bella Poarch […]
-
Ads July 7, 2021