• November 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ayuda sa seniors, PWDs dapat gawing P1K

NANGAKO ang ACT-CIS Partylist na tatrabahuhin ng kanilang grupo na madagdagan ang ayuda para sa mga indigent senior citizens sa bansa.

 

 

Ayon kay ACT-CIS nominee Edvic Yap, “sa kasalukuyan, P500 lang ang natatanggap na ayuda buwan-buwan ng mga indigent senior citizens natin at PWD.”

 

 

Ang budget ay nanggagaling sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ipinamamahagi sa mga matatanda at PWD.

 

 

“Madami pong mga PWD at senior ang lumalapit sa amin para lang sabihin na kulang na kulang ang P500 para pambili nila ng pagkain o maintenance kada buwan,” ani Yap.

 

 

Paliwanag pa ni Yap, hihingin nila sa Committee on Appropriations ng kongreso na dagdagan ang pondo ng DSWD sa susunod na taon para sa ayuda ng mga senior at PWD.

 

 

“Pagbalik namin sa kongreso ito ang mga unang pa­nukalang batas na aatupagin ng aming mga kasamahan,” dagdag pa ni Yap.

Other News
  • Resupply mission vessel ng PH muling hinarang at binangga ng China Coast Guard

    MULING hinarang ng China Coast Guard ang resupply mission vessel ng Philippine Coast Guard kahapon ng umaga sa may bahagi ng Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.     Ito ang kinumpirma ngayon ng National Task Force for the West Philippine Sea.     Sa isang statement ng Task Force sinabi nito na ang ginawa […]

  • Centaurus Omicron subvariant, nakapasok na sa Pinas

    NANINIWALA ang mga eksperto na maaring nakapasok na sa bansa ang bagong BA.2.75 o Centaurus Omicron subvariant.     Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research Group, ang inaasahan nilang posibleng peak o pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa Metro Manila ay hindi pa nangyayari at patuloy pa sa pagtaas ang mga kaso.   […]

  • WHO nagbabala sa mga hindi bakunado ang matinding epekto ng Omicron

    BINALAAN ng World Health Organization (WHO) ang mga mamamayan na magpaturok na ng COVID-19 vaccine.     Ito ay dahil sa nagigign delikado ang omicron variant ng COVID-19 sa mga hindi pa nababakunahan ng COVID-19.     Sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, na nagiging mas mahina ang omicron kaysa sa delta variant subalit […]