• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Babaeng dalaw sa kulungan, buking sa droga na itinago sa ari

HINDI na nakalabas ng kulungan ang isang babaeng dadalaw lang sana sa nakakulong niyang kinakasama matapos mabisto ng babaeng jail officer ang shabu na itinago niya sa kanyang maselang parte ng katawan sa Caloocan City.

 

 

Ayon kay Caloocan City Jail (CCJ) Warden J/Supt. Jerome Verbo, alas-3:30 ng hapon nang dumating ang suspek na si alyas “Jezyl” sa CCJ sa Talimusak corner Tanigue St., Kaunlaran Village, Dagat-Dagatan para dalawin ang kinakasamang si alyas “Samya” na nakakulong sa naturang kulungan dahil sa kasong paglabag sa R.A 10591.

 

 

Inakala ng suspek na maipupuslit niya para sa kinakasama ang mga kontrabandong itinago niya sa kanyang maselang parte ng katawan subalit, napansin ni JO1 Eme Rose Bautista ang kakaiba niyang paglalakad na inihalintulad sa paglalakad ng isang pato.

 

 

Dahil dito, isinailalim sa pribadong pagrerekisa ng jail officer ang ginang at dito natuklasan ang nakapasok na 60-stick ng sigarilyo, anim na plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu, at dalawang alluminum foil sa kanyang ari na nakasilid sa parang-condom na lalagyan.

 

 

Dinakip ang ginang na sinampahan ng kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Other News
  • National fencing team sasabak sa Olympic qualifying sa Uzbekistan

    Umaasa ang Philippine fencing team na makakabiyahe sila sa Abril patungo sa Uzbekistan para sumabak sa qualifying tournament ng 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.     Sumulat na si Philippine Fencing Association (PFA) president at Ormoc City Mayor Richard Gomez kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez.     Lalahok ang mga […]

  • Posters sa private properties ‘di babaklasin kung batay sa adbokasiya – Comelec

    HINDI babaklasin ng Commission on Elections (Comelec) ang mga poster ng  sinumang kandidato na binayaran ng pribadong indibidwal at ipinaskil sa sariling property kung ginawa ito batay sa adbokasiya.     Paliwanag ito ni Comelec Spokeperson James Jimenez sa La­ging Handa public brie­fing, bilang tugon habang patuloy pa sa ginaga­wang Oplan Baklas ope­rations sa mga […]

  • NBA: James Harden, Nikola Jokic nasa Orlando na matapos ang mga delay

    Nakarating na sa Walt Disney World Resort Campus sa Orlando, Florida si NBA star James Harden para humabol sa Houston Rockets na naghahanda sa muling pagpapatuloy ng 2019-20 season.   Ngayong Miyerkules nang dumating sa Florida si Harden, limang araw matapos mauna ang kanyang team na Houston Rockets na magtungo sa campus.   Hindi naman […]