Babaeng suspek sa Hernando robbery-slay sa Valenzuela, timbog
- Published on December 4, 2020
- by @peoplesbalita
Nadakip na ng mga awtoridad ang isang babae na kabilang sa mga suspek sa robbery-slay case sa company messenger na si Niño Luegi Hernando sa Barangay Paso De Blas, Valenzuela City noong October 9.
Pinuri ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang Valenzuela Police Station sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega dahil sa matagumpay na pagkakaaresto kay Jo-Anne Quijano Cabatuan, 31 ng Brgy. Lawang Bato sa bisa ng warrant of arrest sa kanyang pinagtataguan sa Brgy. Lourdes, Minalin, Pampanga.
Si Cabataun ay unang naging saksi sa brutal na pamamaril kay Hernando ng riding-in-tandem na mga suspek na si Rico “Moja” Reyes at Narciso “Tukmol” Santiago bago tinangay ng mga ito ang motorsiklo at sling bag ng biktima na naglalaman ng pera.
Sa masusing imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman na sangkot si Cabatuan sa kaso dahil sa pagbibigay umano ng impormasyon sa gunman sa kinaroroonan ni Hernando matapos itong mag-withdrew P442,714 cash sa bangko. Nadiskubre din ng pulisya na si Hernando ay tumistigo kontra sa live-in partner ni Cabatuan na kalaunan ay nakulong sa kasong rape.
Nauna nang naaresto ng pulisya ang dalawa pa sa mga suspek na si Edgar Matis Batchar at AWOL na pulis na si Cpl. Michael Bismar Castro habang patuloy namang pinaghahanap ang mga pangunahing suspek na sina Reyes, Santiago, at PO1 Anthony Glua Cubos na pawang kinasuhan ng Robbery with Homicide.
Ang pamahalaang lungsod ay magbibigay ng P300,000 reward bawat suspek sa sinumang makapagbibigay impormasyon para sa agarang pagkakaaresto sa mga ito.
“We will not stop until all the suspects are brought forward into justice,” ani Mayor REX. (Richard Mesa)
-
Rep. Tiangco sa mga LGUs, suportahan ang EPAHP kontra gutom
HINIMOK ni Rep. Toby Tiangco ang mga local government units (LGUs) na patuloy na suportahan ang pagsisikap ng administrasyong Marcos na wakasan ang gutom. “We want to encourage all LGUs to support the implementation of the Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) and bolster the government’s efforts to fight hunger,” ani Tiangco. […]
-
Sikat na Tumbungan sa Tondo, dinala ni Yorme sa BGC
SINO ang mag-aakala na puwede palang ilipat ang Tondo sa lugar na tirahan ng mga burgis, na may nagtatayugang gusaling pang-komersiyo at condominium gaya ng Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City? Ang alam kasi ng marami, kapag nabanggit ang Tondo, lugar ito ng iba’t ibang klase ng tao, may mayaman, mahirap, edukado, […]
-
Saso nais ang ika-3 panalo
SINIMULAN na kahapon ni Yuka Saso ang kampanya sa ¥112.5M 52nd Japan Women’s Open Golf Championship sa The Classic Golf Club sa Fukuoka Prefecture buhat 10 araw na sapat na pahinga, paglilimayon at pamimili. Puntirya ng 19-anyos, may 5- 5 na taas na Fil-Japanesena dalagang tubong San Ildefondo, Bulacan, na higitan ang ika-13 puwesto […]