• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Babalik agad para sa lock-in taping nila ni ALDEN: BEA, muling nakatapak ng Europe ‘di nga lang nakasama si DOMINIC

MASAYANG-MASAYA ang Kapuso actress Bea Alonzo na nag-post sa kanyang Instagram habang sakay na ng airplane papuntang Madrid, Spain.

 

 

After 15 hours of travel, muli siyang nag-post sa IGS niya ng ‘touchdown Madrid’ last Monday, March 14.  Ngayon lamang muling nakapag-travel sa Europe si Bea, last pa raw niya noong 2019.

 

 

Kasamang umalis ni Bea ang road manager niyang si Nina. Hindi niya nakasama ang boyfriend niyang si Dominic Roque dahil sa marami raw itong work ngayon.

 

 

Hindi naman magtatagal si Bea sa bakasyon niya, dahil kailangan niyang bumalik agad, may schedule na kasi ang pagsisimula nila ni Alden Richards ng lock-in taping ng kanilang first teleserye together sa GMA Networks, ang Philippine adaptation ng K-drama na Start-Up na ididirek ni Jerry Sineneng.

 

 

 

Last week of March ang quarantine nila at tuloy na ito sa lock-in taping.

 

 

***

 

 

NAUWI nga ba sa totoong away, at nakunan pa ng camera, sina Jillian Ward at Elijah Alejo, sa set ng Prima Donnas?

 

 

Ang eksena nga raw ay nag-aaway ang dalawa na humantong pa sa pagbabatuhan nila ng iba’t ibang klase ng fruits at fresh eggs.  Hindi raw mapigilan ng mga PA ng show ang pagsasagutan nila, kahit pinatatahimik na sila at kailangan na raw nilang ituloy ang eksena.

 

 

Sige pa rin ang galit ni Elijah kay Jillian, hanggang dumating na rin si Direk Gina Alajar at tinanong sila kung bakit sila nag-aaway.

 

 

Nag-explain si Jillian, pero hindi pa rin ma-appease si Elijah, hanggang dumating na ang kanilang Executive Producer, at nang lumapit sa kanila, nagtawanan ang dalawa at sumigaw ng “Praannkk!!!”

 

 

Birthday pala ni Elijah ng araw na iyon at napagkasunduan nila ni Jillian na mag-drama silang dalawa na akala ng mga kasama nila ay totoo silang nag-aaway!

 

 

Samantala ay patuloy ang mga maiinit na eksena ng Prima Donnas at ang mga mahuhusay na acting ng buong cast.  Kung kinainisan si Aiko Melendez as Kendra sa season one, mas kaiinisan si Sheryl Cruz as Kendra/Bethany.

 

 

Napapanood sila Mondays to Saturdays, 2:30 PM, after Eat Bulaga sa GMA-7.

 

 

***

 

 

TAPOS na si Kapuso actor Xian Lim sa shooting nila ni Glaiza de Castro ng new series ng GMA Network, ang False Positive, kaya ngayon may time na siyang tumanggap ng ibang shows, abroad.

 

 

Isa nga si Xian sa magpi-perform sa Expo 2020 Dubai, para sa mga Pinoy doon, sa March 30. For more details, follow GMA Pinoy TV on social media.

 

 

May isa pang project na itutuloy si Xian sa GMA, hinihintay na lamang niya ang availability ng leading lady niyang si Jennylyn Mercado.  

 

 

Nahinto ang taping nila ng serye dahil naging preggy si Jennylyn sa first baby nila ng husband nitong si Dennis Trillo. 

 

 

***

 

 

TULOY na pala ang pagpu-produce ng GMA Network ng Sang’gre na spin-off ng epic series na Encantadia.

 

 

Ayon kay GMA Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, nasa creative development na at may nai-cast na rin sila.

 

 

Mas marami raw silang mortal world scenes, pero hindi aalisin yung equity ng Encantadia. Kasi yun naman talaga ang jump-off point nito.  Kaya nasa process na ang paghahanda nila ng iba’t ibang elements ng show, tulad ng special effects.

 

 

      “Inihahanda na ni Suzette Doctolero, ang creator nito, kasi iba na ‘yung part two mula sa 2016 series, sabi ni Ms. Rasonable.

 

 

“May napili na rin kami para sa title role at isa siya sa mga homegrown talents ng GMA.  May posibilidad din na makita rito ang mga dating Sang’gre.”

 

 

Kuwento ito ng isang babaeng hindi inaasahang matutuklasan ang kanyang angking kapangyarihan na wala siyang kalam-alam na siya pala ang nag-iisang anak ni Reyna Danaya ng Lireo.

 

 

Tunay na kaabang-abang na ang Sang’gre!

 

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Best case scenario sa ekonomiya ng bansa, maaaring maramdaman pa sa katapusan ng 2021- NEDA

    TINATAYA ng gobyerno na sa katapusan pa ng 2021  mararamdaman ng bansa ang “best case scenario.”   Ito ang inihayag ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon sa harap na rin ng inaasahang pagkakaroon na ng bakuna kontra corona virus.   Aniya, ito ang panahong maaari nang maka- rebound ang bansa sa bumagsak nitong economic growth performance. […]

  • SSS at Pag-IBIG members pwedeng mag-calamity loan

    KAPWA nag-alok ng calamity loan ang Social Security System (SSS) at Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG sa mga miyembro  na nasalanta ng bagyong Paeng.     Ayon sa SSS, ang Cala­mity Assistance Package ay para sa mga miyembro at pensioners na nasalanta ng bagyo sa mga lugar na isinailalim sa state of cala­mity.  Kabilang […]

  • SolGen, naghain ng gag order sa SC vs ABS-CBN

    Hiniling kahapon, Pebrero 18 ng Office of the Solicitor General (OSG) Supreme Court na mag-isyu ng gag order para pigilan ang sino mang partido o personalidad mula sa ABS-CBN na maglabas ng kanilang statement o talakayin ang quo warranto petition kaugnay ng franchise case ng TV network.   Depensa ni Solicitor General Jose Calida, ang […]