• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Babylove Barbon, Gen Eslapor nanalasa sa beach volleyball

Lumapit ang tambalang reigning MVP Babylove Barbon at Gen Eslapor sa pangwalong sunod na titulo para sa University of Santo Tomas nang itumba sina Euri Eslapor at Alyssa Bertolano ng University of the Philippines, 21-16, 21-6, sa 85th University Athletic Association of the Philippines 2022 women’s beach volleyball tournament semifinals Linggo ng hapon sa Sands SM By the Bay sa Pasay City.

 

 

Nananatiling walang bahid ang Golden Tigresses para sa pang-36 na sunod na panalo sapul pa noong 2016. Sunod sa España-based squad ang National University sa finals sa Martes sa parehong venue.

 

 

Tinagpas nina rookie Honey Grace Cordero at Kly Orillaneda ng Lady Bulldogs sa isa pang Final Four match sina Justine Jazareno at Jolina Dela Cruz ng De La Salle University, 21-17, 21-14.

 

Pag-aagawan ng Lady Maroons at Lady Archers ang tersera puwesto.

 

 

Unang nilapa ng Tigresses ang Lady Spikers sa huling araw ng eliminations, 23-21, 21-14 upang makuha ang malinis na 7-0 kartada.

 

 

Tinapos naman nina Cordero at Orillaneda ang University of the East tandem nina Meriam Mungcal at Khrisia Lerom 21-6, 21-9, para sa 6-1 rekord. (CARD)

Other News
  • PDu30, inamin na sinadya na hindi magpakita sa publiko ng 2 linggo

    MULING kinastigo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang mga kritiko matapos na hindi siya magpakita ng dalawang linggo sa publiko.   Sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi ay inamin ng Pangulo na sinadya na mawala ng ilang araw.   “Noong nawala ako ng ilang araw, talagang sinadya ko ‘yun. Ganoon ako […]

  • Alegasyon vs Sen. De Lima, binawi ni Kerwin Espinosa

    BINAWI ng umaming drug lord na si Kerwin Espinosa ang lahat ng alegasyon niya laban kay Senador Leila de Lima sa isinumite niyang ‘counter-affidavit’ sa Department of Justice (DOJ) nitong Huwebes.     Isinumite na ang counter-affidavit ni Espinosa sa DOJ kahapon, ayon sa abogadong si Ramund Palad. Sinabi ni Palad na saksi siya nang […]

  • North-South rail contract packages, nilagdaan

    NILAGDAAN noong Friday ng pamahalaan sa pangunguna ng Department of Transportation (DOTr) at Asian Development Bank (ADB) ang contract packages ng south commuter section ng North-South Commuter Railway System kung saan naging witness si President Ferdinand Marcos.   Sa kanyang speech, nangako si Marcos na sisiguraduhin ng pamahalaan na magkakaron ng consistency sa mga polisia […]