Backriding sa tricycle, pwede na uli sa valenzuela
- Published on October 31, 2020
- by @peoplesbalita
PINAPAYAGAN na ulit ng Local Government ng Valenzuela City ang back-riding o pag-angkas sa mga pampasaherong tricycle sa lungsod.
Ayon kay Mayor Rex Rex Gatchalian, alinsunod sa ordinansa No. 810 Series of 2020, dapat lamang ay may nakakabit na non-permeable transparent barrier, tulad ng plastic cover sa pagitan ng driver at pasaherong nakaangkas.
Kailangan ding nasusunod ang minimum health standards, katulad ng pagsuot ng mask at face shield ang driver at kanyang pasahero.
Paalala pa ng alkalde, isang pasahero pa rin ang papayagan na sumakay sa loob ng sidecar at lahat ng bibyahe ay kailangang sumunod sa health safety satandards.
Kaugnay nito, sa inilabas na fare matrix ng pamahalaang lungsod, P12 na minimum fare ng kada pasahero ng tricycle at magdadagdag ng P2 sa kada sususnod na kilometro.
Para naman sa special trip, P24 na ang babayaran ng pasahero simula sa terminal at magdadagdag ng P4 kada susunod na kilometro.
Magsisimula sa Lunes, November 2, 2020 ang pagpapatupad ng pag-angkas sa mga tricycle para mabigyan ang mga tricycle drivers ng sapat na paghahanda sa pagkabit ng kanilang mga transparent barriers. (Richard Mesa)
-
PBBM inatasan ang kaniyang economic team tugunan ang ‘red tape’ sa gobyerno
INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kaniyang economic team na tugunan ang red tape sa pamahalaan. Sinabi ng Pangulo na imbes na red tape, dapat na bigyan ng red carpet ang mga nais mamuhunan sa bansa maging foreign o local investors ang mga ito. Inihayag ng Presidente na magiging trabaho […]
-
PBA legend Chito Loyzaga napiling chef de mission ng 32nd SEA Games
NAPILI bilang maging chef de mission ng 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia ang beteranong PBA player na si Chito Loyzaga. Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, na makakasama nito si sambo association Paolo Tancontian at canoe-kayak head coach at international technical official Leonora “Len” Escollante bilang magiging […]
-
Nagmistulang fan si Andrea at natupad ang wish: BEA, puring-puri ni DENNIS at iba pang co-stars sa serye
IBANG klase rin ang pagtingin ng mga Kapuso sa New Generation Movie Queen na si Bea Alonzo. Talagang todo max ang pagpuri kay Bea ng kanyang mga co-stars sa bagong GMA Primetime series na “Love Before Sunrise.” Si Andrea Torres ay nagmistulang fan na fan ni Bea na aminadong nang malaman na Kapuso […]