“Bagong Bahay, Bagong Buhay!” Valenzuela LGU nag turnover ng housing units sa Laon beneficiaries
- Published on December 15, 2023
- by @peoplesbalita
NAGSAGAWA ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pakikipagtulungan ng Social Housing and Finance Corporation (SFHC) ng blessing at turnover ceremonies ng mga housing unit sa ilalim ng Laon CMP Vertical Housing Project – Phase I para sa mga benepisyaryo ng Laon sa Barangay Veinte Reales.
Pinangunahan nina Mayor Wes Gatchalian, Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Undersecretary Lyle Filomeon Pasco, Social Housing and Finance Corporation (SHFC) President Federico Laxa, mga opisyal ng lungsod, at mga barangay opisyal ng Veinte Reales ang ribbon-cutting ceremony at pag turnover ng 192 housing units sa loob ng 4 na gusali ng Laon Community Mortgage Program (CMP) Vertical Housing Project sa ilalim ng isang mortgage agreement.
Kasunod ng turnover ng mga housing unit ay ang groundbreaking at capsule-laying ceremony para sa CMP Vertical Housing Project – Phase II at 3S Center Veinte Reales na magtatampok ng Barangay Hall, Police Sub-station, Daycare Center, Mega Health Station, HOA office, Basketball Court.
Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni DSWD Secretary Gatchalian ang mahigpit na paglalakbay ng Laon Housing Project sa kanyang termino bilang mayor, kung saan unang sinimulan ang proyekto.
Ayon sa kanya, ipinagmamalaki ng proyektong ito ang tatlong inobasyon: una, ang komunidad ng Laon ay may dalawang (2) Home Owner’s Associations (Laon HOA & Cheng Ville HOA); pangalawa, mayroong dalawang sukat ng mga yunit ng pabahay (36 sq.m. & 42 sq.m); at panghuli, ang lokal na pamahalaan at komunidad ng Laon ay magkatuwang na hahawak sa pamamahala ng ari-arian.
Samantala, ipinahayag din ni Mayor Wes ang kanyang umaasang pananaw sa pagpapatuloy ng Phase II ng Laon CMP Vertical Housing Project.
“[Sa tagumpay ng Phase I] sa tulong ng SHFC, ng DHSUD, at pagtutulungan ng national at local, at siyempre ng Home Owners’ Association; natupad na ang pangarap ng ating mga kababayan dito sa Veinte Reales. At hindi puwedeng hindi tumuloy ito.” ani alkalde.
Sa background, ang mga residente ng Laon ay nabubuhay sa panganib sa mga nakaraang taon dahil sa baha at madaling masunog na kapaligiran kaya idineklara ng Office of the Building Official (OBO) ang mga bahay sa Laon na mga ilegal at mapanganib na istruktura na nag-udyok sa lungsod na patayuan ito ng proyektong pabahay. (Richard Mesa)
-
DOH: PH COVID-19 cases higit 435,000 na; total deaths 8,446
Nadagdagan pa ng 1,061 ang total ng COVID-19 cases sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH). Kaya naman umakyat pa sa 435,413 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng nakakahawang sakit sa buong bansa. “13 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS) on December […]
-
Witness “Deadpool & Wolverine” – The Ultimate Super Hero Team-Up!
SECURE your seats now for Marvel Studios’ “Deadpool and Wolverine”! Witness the epic team-up of Deadpool and Wolverine, starring Ryan Reynolds and Hugh Jackman, in cinemas on July 24. Tickets are selling fast! Wade Wilson is back, and he’s got company! Tickets are now on sale for Marvel Studios’ “Deadpool & Wolverine” […]
-
Pacquiao alangan kay Golovkin
SOBRANG bigat. Ito ang isang rason kaya ayaw kagatin ni reigning World Boxing Association (WBA) super featherwerwight champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquaio si Gennady Golovkin ng Kazakstan sa sandaling magbalik sa ruwedang parisukat. Ayon sa fighting senator, may kataasan ang timbang na 159.2 lbs. si Golovkin sa nakaraang pakikipagbanatan kay Sergiy Derevyanchenko ng Ukraine […]