• February 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacquiao alangan kay Golovkin

SOBRANG bigat.

 

Ito ang isang rason kaya ayaw kagatin ni reigning World Boxing Association (WBA) super featherwerwight champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquaio si Gennady Golovkin ng Kazakstan sa sandaling magbalik sa ruwedang parisukat.

 

Ayon sa fighting senator, may kataasan ang timbang na 159.2 lbs. si Golovkin sa nakaraang pakikipagbanatan kay Sergiy Derevyanchenko ng Ukraine kung ihahambing sa bigat niyang 146.5 sa huling pakikipag-umbagan kay Keith Thurman ng USA.

 

Ayon pa kamakalawa sa Pambansang Kamao, papatulan niya si Golovkin kung sa welterweight limit 147-pound sila magkakasundo.

 

Iminungkahi naman ng dati niyang mentor na Amerikanong si Freddie Roach na kasahan niya si Gennady para sa middleweight world title. (REC)

Other News
  • 2 most wanted persons, nabitag sa Valenzuela

    DALAWANG lalaki na listed bilang most wanted ang nasakote ng pulisya sa isinagawang magkahiwalay na manhunt operations sa Valenzuela City.     Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, dakong alas-8:45 ng umaga nang magsagawa ng pagsisilbi ng warrant of arrest ang pinagsamang mga tauhan ng Sub-Station 4 sa pangunguna ni P/Cpt Doddie […]

  • Durant, ‘di sigurado kung kelan magbabalik sa game dahil sa panibagong injury

    Wala pang kasiguraduhan ang Brooklyn Nets kung kelan makakabalik ang kanilang superstar na si Kevin Durant matapos na ma-injure na naman sa game kanina kontra sa Miam Heat.     Una rito, nasilat ng Miami ang itinuturing na isa sa powerhouse team na Brooklyn, 109-107.     Sa kalagitnaan ng unang quarter pa lamang ay […]

  • RODJUN at RAYVER, inalala ang kanilang yumaong ina two years ago; sayang na ‘di naabutan ang apo na si JOAQUIN

    INALALA ng magkapatid na Rodjun at Rayver Cruz ang kanilang yumaong inang si Melody Beth Cruz sa second death anniversary nito noong February 2.     Pumanaw si Beth dahil sa sakit na stage 4 pancreatic cancer.     Nag-post si Rodjun sa kanyang Instagram ng photo nila ni Rayver at nakakatandang kapatid na si […]