• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Bagong Friendster’, ginagamit para sa phishing- DICT

MALAKI ang posibilidad na ang bagong  Friendster ay ginagamit para sa phishing.

Sa isang advisory, sinabi ng National Computer Emergency Response Team (DICT-NCERT) ng Department of Information and Communication Technology na makikita sa initial investigation na ang IP address na nagho-host ng bagong  Friendster ay natuklasan na mayroong “ previous reports about phishing, brute force and DDoS attacks, hacking, and host exploitations.”

“Having said that, there is a possibility that the said website is being used for phishing,” ayon sa  DICT-NCERT.

Stunner, isang Facebook page, ay nag-post  na ang  Friendster ay nagbalik at libong katao ang lumagda  para sa binuhay na  social network.

Nag-update naman  ng post kasama na ang babala mula sa DICT-NCERT kaugnay sa “bagong” Friendster site.

Sinabi ng DICT-NCERT na ang “the website uses WordPress for its main service, which is not used for social networking platforms since it is a content management system.”

Idagdag pa, sinabi ng ahensiya na ang  link ay nagbibigay sa post ng paggamit ng “non-popular top-level domain (.click).”

Hindi kasama sa  sinasabing bagong  Friendster website ang  “About Us” page, na ayon sa DICT-NCERT ay maaaring makapagbigay ng impormasyon sa kung sino ang nag-developed ng website.

Kaya nga pinayuhan ng departmento ang publiko na gawin ang mga sumusunod na hakbang sa oras na makita ang  post gaya ng

“Do not click suspicious links to avoid future potential threats at Do not register on this website because your data may be compromised.”

Idagdag pa rito, “providing and capacitating employees with cybersecurity knowledge and information to minimize threats.”

Samantala, ang Phishing ay isang uri ng cyber attack na ginagamit para nakawin ang data ng isang users gaya ng passwords, at bank, o credit card information sa pamamagitan ng pangloloko o  lokohin ang mga users na buksan ang  link para sa isang  page na nagpapanggap bilang lehitimong  website.

(Daris Jose)

Other News
  • PBBM, pinuri ang mga Filipino STEM winner, nangakong susuportahan ang innovation, tech

    NAKIISA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Linggo sa pagdiriwang ng mga naging tagumpay ng mga estudyanteng Filipino na nag-excell sa larangan ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM).   Nangako rin ang Pangulo na patuloy na magi-invest at susuportahan ng kanyang administrasyon ang ‘innovation at technology.’   Sa kanyang weekly vlog na […]

  • 12 e-sabong website, 8 socmed pages natukoy ng PNP

    NABUKING  ng Philippine National Police (PNP) ang patuloy na operasyon ng 12 ­e-sabong at walong social media pages sa kabila na ­iniutos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatigil nito.     Ayon kay Lt. Michelle Sabino, hepe PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) public information office, sa 12 websites na natukoy ng PNP dalawa ang nakarehistro […]

  • Kahit nag-‘yes’ ay hahayaan pa rin na rumampang mag-isa: BEAVER, kinikiligan ang super effort na promposal kay MUTYA

    PINAGHANDAAN talaga ni Beaver Magtalas ang kanyang second ‘promposal’ kay Mutya Orquia, na leading lady niya sa pelikulang “When Magic Hurts” na malapit nang ipalabas sa mga sinehan.     Nakita naming nakalagay sa program na may ‘special announcement’ na magaganap at pagkatapos ng mediacon ng movie, may mangyayari nga.     Nag-duet muna sina […]