• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BAGONG OBISPO NG CEBU, ITATALAGA SA AGOSTO 19

NAKATAKDANG  italaga bilang bagong Obispo ng Archdiocese of Cebu si Bishop-elect Ruben Labajo.

 

 

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Cebu Archbishop Jose Palma sa pagkakaroon ng isa pang katuwang na obispo sa nasabing  Archdiocese.

 

 

Sa panayam ng Radio Veritas kay Archbishop Palma, mahalaga ang pagkatalaga ni Bishop-elect Labajo  upang makatulong sa pangangasiwa ng may limang milyong populasyon ng mga Katoliko sa lalawigan.

 

 

“Malaking tulong ito, malaking biyaya dahil napakalaki ng [Archdiocese of] Cebu at alam natin ‘yung mga pastoral ministry na kailangan ng serbisyo ng obispo kaya nagpapasalamat kami sa Diyos at sana sabayan ninyo kami nitong pasasalamat,” pahayag ni Archbishop Palma sa Radio Veritas.

 

 

Ang pagdiriwang ng ordinasyon ni  Bishop-elec Labajo ay sa August 19, ganap na ika-siyam ng umaga sa Cebu Metropolitan Cathedral.

 

 

Nanawagan din si Archbishop Palma sa pananampalataya nang patuloy na panalangin sa mga pastol ng simbahan upang manatiling matatag sa kanilang tungkulin na paglingkuran ang mamamayan tulad ng mga halimbawa ni Hesus.

 

 

“Ipanalangin po ninyo kami mga obispo na maging ganap sa aming tungkulin na talagang ‘servant leader’; ang aming buhay ay buhay gaya ng mabuting pastol na nagsisilbi sa mamamayan,” ani Archbishop Palma.

 

 

June 23 nang italaga ni Pope Francis si Bishop-elect Labajo bilang auxiliary Bishop ng Cebu katuwang ni Archbishop Palma at Bishop Midyphil Billones.

 

 

Buong kababaang-loob namang tinanggap ng bagong talagang obispo ang bagong misyon sa simbahan.

 

 

Sa halos 30-taong pagiging pari ilan sa mga ginampanan ni Bishop-elect Labajo ang pagiging Parish vicar sa Mandaue City, Santa Fe Parish sa Bantayan Island, at St. Joseph Parish sa Tabunok Talisay, Cebu Metropolitan Cathedral, habang noong 2017 naging bahagi ang pari sa Council of Consultors, Episcopal Vicar sa unang distrito ng arkidiyosesis at kasapi ng Presbyteral Council.  (Gene Adsuara)

Other News
  • Pasaway sa VisMin Cup Iba-ban sa lahat ng liga

    INUPAKAN din ni Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. president Alfredo Panlilio ang kontrobersyal na laban ng Siquijor Mystics at Lapu-Lapu City sa Visayas Leg ng 1st Pilipinas VisMin Super Cup 2021 elimination round Miyerkoles ng nakraang linggo sa sa Alcantara, Cebu.     Kinampihan din niya ang pasya nitong Linggo ng Games and Amusements Board […]

  • Manila LGU, pinaghahandaan na ang pagbibigay ng libreng bakuna kontra COVID-19 sa mga Manilenyo

    NAKAPAGPALISTA na sa “online pre-registration” ang mga Manilenyong intresadong mabakunahan kontra COVID-19 sa “on-line registration” matapos itong ilunsad ng lokal na pamahalaan ng Maynila.   Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, inilunsad ng pamahalaang lokal sa pamamagitan ng Manila Health Department ang online registration na www.manilacovid19vaccine.com upang maging maayos at mapaghandaan nila ang dami […]

  • Federer patuloy ang pagpapagaling para makasabak na sa mga tennis tournaments

    TIWALA si Swiss tennis star Roger Federer na ito ay agad na gagaling mula sa operasyon sa tuhod para makapaglaro na sa susunod na season.     Ayon sa 20-time Grand Slam title winner na sa ngayon ay hindi pa niya alam ang gagawin.     Halos isang taon ng hindi nakapaglaro ang 40-anyos na […]