BAGONG TANGGAPAN NG ABP PARTYLIST, BINUKSAN
- Published on March 23, 2025
- by people's balita
BAGONG TANGGAPAN NG ABP PARTYLIST, BINUKSAN
BINUKSAN at binasbasan nitong Biyernes, Marso 21 ang punong tanggapan ng Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Partylist sa JW Diokno Boulevard, Pasay City.
Nanguna sa inagurasyon sa kaniang tanggapan ang unang nominado na si Dr. Jose Antonio Ejerrcito “Ka Pep” Goitia kasama kasama ang iba pang mga nominado na sina Leninsky Bacud, Catleya Cher Goitia, Jose Mari Alfonso Goitia, Carl Gene Moreno Plantado, at Howie Quimzon Manga.
Dinaluhan din ang pagtitipon ang iba’t ibang personalidad sa politika at sektor kabilang si dating Laguna Governor na si ER Ejercito na tumatakbong kandidato sa pagka Mayor sa Laguna at mga anak na si Maria Guaddalupe “Jhulia” at Jorge Antonio Genaro “Jerico” na pawang nagpahayag ng suporta sa ABP Partylist na hinulaan na makakakuha ng tatlong milyong boto sa Laguna.
Kabilang din sa mga sumuporta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY-Movement), People’s Alliance for Democracy and Reform (PADER), Alyansa ng Bayan para sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), Liga Independencia Pilipinas (LIPI), Isang Bansang Pilipinas (IBP) at ang Kapisanan ng Mamamayang Pilipino (KAMPIL).
Matatandaan na mula sa ika-14 na puwesto noong Pebrero, umakyat ang ABP Partylist sa ika-12 posisyon, kung saan tumaas ang voter preference nito mula 1.68% patungong 2% ngayong Marso.
“Narito kami upang ipaglaban ang ating matatapang na bumbero at unang tumutugon, na mga fire rescuers at volunteers na araw-araw na isinasaalang-alang ang kanilang buhay para sa kaligtasan ng iba. Misyon naming tiyakin na matatanggap nila ang pagkilala, suporta, at mga mapagkukunan na nararapat sa kanila,” ayon kay Dr. Goitia.
Kabilang sa kanilang mga agenda ay Firefighters’ Welfare and Benefits Act; Fire Equipment Modernization Bill at Community-Based Fire Prevention Program.
Makakikipagtulungan din ang ABP sa mga lokal na pamahalaan, pribadong organisasyon, at pandaigdigang kasosyo upang palakasin ang kakayahan sa pagtugon sa emergncies at pagpapalaganap ng kaalaman sa pag-iwas sa sunog. (Gene Adsuara)
-
Nag-amok na adik, utas sa umawat na pulis
DEDBOL ang sinasabing drug adik matapos barilin ng rumespondeng pulis na inundayan niya ng saksak nang tangkain siyang awatin habang nagwawala kahapon (Biyernes, Marso 6) ng umaga sa Malabon City. Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao, alas-7:40 ng umaga nang magsimulang mag-amok at sugurin ng saksak ng suspek na si Alvin Calpo, […]
-
Mahigit 9K balota para sa local absentee voting, naisumite na sa Comelec
AABOT na sa mahigit 9,105 nakumpletong balota para sa local absentee voting ang natanggap ng Commission on elections (Comelec). Ang partial reports sa bilang ng accomplished ballots para sa local absentee voting na natanggap ng Reception and Custody Units ay mula sa Philippine Army (926), Philippine Air Force (1,731, Philippine National Police (3,929) […]
-
VICTORY PARADE NG LAKERS, APRUB NA SA MAYOR NG LA
MISMONG si Los Angeles Lakers star LeBron James ang nakiusap kay LA City Mayor Eric Garcetti na makapagsagawa sila ng victory parade. Ito’y matapos ang kakaibang pangyayari kung saan sabay na nagkampeon ang Lakers sa NBA Finals at ang Los Angeles Dodger sa Major League Baseball (MLB) sa isang conference. Pumayag naman ang alkalde […]