Baguio City, magsisimula nang tumanggap ng bisita mula sa Ilocos Region
- Published on September 23, 2020
- by @peoplesbalita
MAGSISIMULA na ang tourist-favorite Baguio City na tumanggap ng kanilang bisita mula sa Ilocos region simula Setyembre 22.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang residente ng Region 1 na nagnanais na bumisita sa Baguio City, kilala bilang summer capital ng bansa dahil sa malamig na panahon ay kailangan lamang na mag-rehistro sa online at magpakita ng patunay ng hotel reservation.
Ito’y makaraan ang inspeksyon ng precautionary protocols na ipinatutupad sa Baguio City .
“Beginning Sept. 22, our city of Baguio will be open para sa mga bisita galing sa Region 1,” ayon kay Sec. Roque.
“You can come and enjoy the city of Pines,” dagdag na pahayag nito.
Nauna rito, sinabi ni Contact tracing czar Baguio City Mayor Benjamin Magalong na ang local government ay kailangan na gumamit ng VIS.I.T.A app o Visitors Information and Tourist Assistance app para ma- manage ang pagdating ng mga turista.
Idinagdag pa nito na kailangan na makipag-ugnayan ang mga ito sa Department of Tourism at pribadong sektor, partikular na ang tour operators para makontrol at ma- manage ang mga bibisitang turista.
Kailangan naman na isailalim ng mga turista ang kanilang sarili sa swab test o antigen test.(Daris Jose)
-
Maraming lugar sa bansa nasa signal No. 1 dahil bagong bagyo – Pagasa
Nakakaapekto ngayon sa malaking bahagi ng bansa ang nabuong tropical depression Lannie. Huli itong namataan sa layong 100 km sa silangan ng Surigao City, Surigao del Norte. Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph. Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis na […]
-
NURSING STUDENT UTAS SA SUNOG SA MALABON
ISANG 20-anyos na babaing nursing student ang nasawi matapos umanong ma-trap sa nasusunog nilang tirahan sa Malabon City, Miyerkules ng umaga. Natutulog umano ang biktimang si alyas “Nyanza”, working student ng Our Lady of Fatima University sa ikalawang palapag ng kanilang tirahan sa A. Bonifacio St., Brgy. Tugatog nang sumiklab ang sunog dakong […]
-
Sa Bali, Indonesia magaganap ngayong July: MAJA, ‘di pa rin mabanggit ang ilang detalye sa kasal nila ni RAMBO
ILANG detalye sa nalalapit na kasal nina Maja Salvador at Rambo Nuñez ang hindi pa rin talaga mabanggit ng aktres bilang pa-surpresa naman siguro nito para sa mismong big day nila sa July. Though, given naman na sa naturang buwan at sa Bali, Indonesia nga ang kasal. Pero inamin naman ni Maja […]