• April 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Baha, tumama sa iba’t ibang lugar sa Pinas sa gitna ng holiday season — OCD

MARAMING lugar sa iba’t ibang panig ng bansa ang binaha ngayong holiday season sa gitna ng masamang panahon.
Sinabi ng Office of Civil Defense (OCD) na ang shear line, isang intertropical convergence zone (ITCZ), at low-pressure areas ang dahilan ng pagbaha sa Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Eastern Visayas, at Davao Region simula pa noong Disyembre 8.
Sa Calabarzon, 10 lugar sa Quezon province ang binaha, naapektuhan ang 367 katao o 88 pamilya. Isang road section sa Real, Quezon ang hindi madaanan.
Samantala, sa Mimaropa, 30 lugar ang binaha sa Oriental Mindoro at Palawan, naapektuhan ang 48,598 katao o 10,021 pamilya.
Sa mga apektadong populasyon, 702 katao o 174 pamilya ang nanunuluyan sa evacuation centers. Ang pinsala sa imprastraktura at hindi madaanang lansangan ay naiulat na.
Ang state of calamity ay idineklara sa Baco, Oriental Mindoro dahil sa epekto ng masamang panahon.
Sa Bicol, 33 lugar sa Camarines Sur ang binaha, naapektuhan ang 678 katao o 154 pamilya. Ilan sa mga ito ay nananatili sa evacuation centers. May 20 road sections naman ang nananatiling hindi madaanan.
Sa Eastern Visayas, may isang nasawi dahil sa pagkalunod ang naiulat sa Borongan City, Eastern Samar. Ang kabuuang 199,364 katao o 52,949 pamilya ang apektado ng pagbaha. May 18 bahay naman ang napinsala. Nagpapatuloy naman ang clearing operations sa landslide-hit areas.
“Immediate needs include food packs in Northern and Eastern Samar and Doxycycline in Catarman, Northern Samar,” ang sinabi ng OCD. Ang Doxycycline ay isang antibacterial antibiotic.
Samantala, sa Davao Region, naiulat ang pagbaha sa Davao del Sur at Davao Occidental. Ang Mana Bridge sa Malita ay hindi madaanan at naranasan ang power interruptions sa Jose Abad Santos, Davao Occidental.
Sinabi naman ng PAGASA na may ilang lugar sa bansa ang inaasahang makararanas ng pag-ulan dulot ng Northeast Monsoon (Amihan) at ITCZ.
(Daris Jose)
Other News
  • Susunod na laban ni Ancajas gagawin na sa Pilipinas

    GAGAWIN na sa Pilipinas ang susunod na laban ni dating world super flyweight champion Jerwin Ancajas.     Sinabi nito na gagawin sa Pebrero 2023 ang nasabing laban.     Ang 30-anyos na si Ancajas ay galing sa pagkatalo kay Fernando Martinez noong nakarang mga linggo.     Sa mga susunod na araw aniya ay […]

  • Pagbibigay-pugay sa EDDYS Icon, isa sa mga highlights: DINGDONG at MARIAN, nagpaningning sa Gabi ng Parangal sa pagtanggap ng ‘Box Office Heroes’

    ISA sa mga naging highlights ng Gabi ng Parangal ng ika-pitong edisyon ng ‘The EDDYS’ ang pagbibigay-pugay sa bagong batch ng EDDYS Icons.     Itinuturing na silang mga haligi ng movie industry na kinabibilangan nina Nova Villa, Leo Martinez, Lito Lapid, Eva Darren at Gina Alajar.       Isang posthumous award din ang […]

  • ASEAN, walang impluwensiyang taglay gaya ng sa EU

    IGINIIT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na walang impluwensiya ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na kahalintulad ng impluwensiya na mayroon ang European Union pagdating sa pag-secure ng bakuna laban sa COVID-19.   Sa public address ng Pangulo noong Lunes ng gabi ay sinabi nito na ang ASEAN countries ay hindi naman makapangyarihan gaya […]