• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Baka raw mawala ang ’sumpa’ pag um-atttend: AIKO, inimbita na si ROSANNA sa nalalapit niyang kasal

NAGTAGUMPAY ang Kapuso aktres at komedyana na si Pokwang sa kagustuhan niyang mapaalis ng bansa ang dating asawang si Lee O’ Brian.

 

Sa bisa ng reklamo ni Pokwang na illegal na pagtatrabaho ng dating asawa sa Pilipinas ay ipina-deport na si Lee ng mga tauhan ng Bureau of Immigrations last Monday April 8.

 

Sa panayam kay Pokwang sa “Fast Talk with Boy Abunda “ nung Huwebes ng hapon, Abril 11, parang magkahalong saya at lungkot ang naramdaman niya.

 

Wala na yung galit sa puso ni Pokwang nang tanungin tungkol sa masaklap na kapalaran ng dating karelasyon.

 

“Para sa ikabubuti naming dalawa and para makapaghanapbuhay na rin siya nang maayos, ako rin ganoon,” seryosong paliwanag pa ni Ms. P.

 

Dagdag pa rin ng magaling na aktres na makapag-provide na raw silang pareho ni Lee nang mas maayos para sa anak nila.

 

“Kasi kapag nandito siya, alam ko, hindi naman siya makakapag-hanapbuhay dito. Puwes, paano siya makakapag-support sa anak niya? Ganoon din naman ako, di ba?

 

“Habang nandito siya, ang daming nakararating sa akin na hindi maganda na may [mga] katibayan naman, lalong hindi ako nakakapagtrabaho,” tuloy tuloy pang paliwanag niya.

 

Dagdag pa rin ni Pokwang tuluyan na raw niyang tinuldukan ang kabanata ng buhay niyang may kinalaman kay Lee, pero nagbitaw ng salita ang komedyana na hindi niya ipagkakait ang anak na si Malia sa ama nito.

 

“Pareho lang kaming apektado. Pero when it comes sa karapatan niya kay Malia, hindi ko naman yon ipagdadamot. Basta ayusin lang niya ang buhay niya.

 

“Ano man ang mangyari, tatay pa rin siya ni Malia. Hindi ko aalisin yon.”

 

Walang problema kay Pokwang kung gustong dalawin ng anak niya ang ama at ganun din daw naman si Lee sa anak nila.

 

Nais ni Pokwang na magkaroon pa rin ng maayos na kinabukasan si Lee.

 

“At least for the peace of mind of both sides, makapagtrabaho siya nang maayos. Kasi nga dito, bawal siya magtrabaho, so paano ang buhay niya rito, di ba?

 

“Sayang kasi may pinag-aralan naman siyang tao. Gamitin niya yung natapos niya. Gamitin niya doon, magtrabaho siya.

 

“Mag-ipon siya, hindi lang para kay Malia, para sa sarili rin niya. Kasi 49 na siya. Ayusin na niya ang buhay niya,” sey pa ng komedyana.

 

***

 

MUKHANG malapit-lapit na ring ikasal ang actress/politician na si Aiko Melendez.

 

Mismong sa aktres nanggaling ang pag-amin dahil isa si Rosanna Roces sa inimbita niya.

 

“Pag kinasal na ako dapat andu’n ka na baka ikaw na lang inaantay maka-attend para mawala ang sumpa, labyu my sister,” mensahe ni Coun. Aiko kay Osang.

 

Magkasama sila sa seryeng “Sagrado Pamilya” na kinukuna sa Baguio City kasama sina Piolo Pascual, Kyle Echarri, Grae Fernandez, Tirso Cruz III, John Arcilla, Shaina Magdayao, Mylene Dizon at marami pang iba.

 

May special participation sina Cristine Reyes at Bela Padilla. Ito ay under Dreamscape Entertainment at ABS-CBN.

 

Dahil din sa naging closeness nila ay natupad ang matagal nang plano ni Aiko na maging guest si Rosanna sa kanyang YouTube channel.

 

Tiyak na maraming mga pasabog si Osang sa naturang guesting niya and knowing her tiyak na may halong kalokohan ang tsikahan nila ng konsehala ng ikalimang distrito ng Quezon City.

 

May post naman agad si Aiko ng larawan nilang dalawa ni Rosanna Roces at mga naalala na pinagsamahan nilang dalawa na kung saan halos magkapitbahay pa silang dalawa sa Quezon City.

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • PBBM, patuloy na pinupunan ang mga mahahalagang posisyon sa gobyerno

    PATULOY na pinupunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga mahahalagang posisyon sa gobyerno.     Sa katunayan, nagtalaga ang Pangulo ng iba’t ibang personalidad bilang mga bagong opisyal na bubuo sa Department of Foreign Affairs, Department of Health, Department of Information and Communications Technology, Department of Justice, Department of Labor and Employment, Department of […]

  • Psalm 66:20

    Blessed be God who did not withhold his love from me.

  • Pagtatatag ng alternatibong National Government Center sa New Clark City sa Tarlac, ipinag-utos ni PDu30

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagtatatag ng alternatibong National Government Center sa New Clark City sa Tarlac.   Ito’y dahil sa masyado ng prone ang Metro Manila sa mga natural disasters gaya ng lindol, baha at bagyo.   Nakasaad sa  Executive Order 119  na ipinalabas ng Malakanyang na inaatasan nito ang mga ahensiya […]