• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BAKUNA SA COVID-19 SA CAMANAVA, KASADO NA

Tiniyak ng apat na alkalde ng CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela) sa kani-kanilang nasasakupan na magkakaroon na ng bakuna para sa Covid-19 na magagamit sa kanila simula sa ikalawang quarter ng taon.

 

Ito’y, matapos sabihin nina Mayors Oscar Malapitan (Caloocan), Antolin Oreta III (Malabon), Toby Tiangco (Navotas) at Rex Gatchalian (Valenzuela) na gumawa na sila ng kasunduan sa British-Sweden multinational pharmaceutical company, AstraZeneca para sa pagbili ng bakuna sa Covid-19.

 

Ayon kay Malapitan, hindi bababa sa 600,000 doses ang bibilhin ng Pamahalaang Lungsod sa AstraZeneca bilang bahagi ng Covid-19 vaccination program ng lungsod.

 

Sinabi naman ni Oreta na ang Malabon ay naglaan din ng paunang halaga na P150-milyon sapagkat ito rin ang tiniyak ng parehong pharmaceutical company para sa bakuna sa Covid-19.

 

Sa Navotas, lumagda na rin Mayor Toby Tiangco sa kasunduan sa AstraZeneca pharmaceutical company para makabili ng 100,000 doses ng bakuna laban sa COVID-19.

 

Paliwanag ni Tiangco, dahil dalawang dosage ang kailangan ng bawat tao, 50,000 Navoteño ang unang mabibigyan ng bakuna na inaasahang darating sa ikalawang bahagi ng 2021.

 

Aniya, inaprubahan ng city council ang paglabas ng P20-milyon para sa layuning ito.

 

Muling pinaalalahanan ng alkalde ang nasakaupan na manatiling maingat at sundin ang safety protocols habang hinihintay ang bakuna.

 

“Good news! Valenzuela City signs a deal with AstraZeneca Pharmaceuticals Philippines for the advance purchase of 640,000 AstraZeneca vaccine doses” pahayag naman ni Mayor Gatchalian sa kanyang FB page.

 

Ani Gatchalian, inihahanda na nila ngayon ang vaccine roll out plan ng lungsod upang maging maayos na ang distribusyon ng bakuna kapag nagsimula na itong dumating.

 

Nasa 320,000 mga indibidwal ang mababakunahan, na 70 porsyento ng target na populasyon ng lungsod (hindi kasama ang 18 taong gulang pababa).

 

Nilinaw ng CAMANAVA Mayors na ang kasunduan na nilagdaan nila sa AstraZeneca ay aprubado ng Inter-Agency Task Force at Food and Drug Administration. (Richard Mesa)

Other News
  • P900 milyong puslit na sigarilyo, iba pang goods, nadiskubre sa inspeksiyon ng BOC

    UMAABOT  sa P900 milyong halaga ng mga puslit na imported na si­garilyo at iba pang general merchandise, ang nadiskubre ng mga awto­ridad sa isinagawang pag-iinspeksiyon ng Bureau of Customs (BOC) sa isang bodega sa Plaridel, Bulacan noong Biyernes.     Sa isinasagawang quick inventory sa mga goods na mula sa China, ay natuklasang nagkakahalaga ang […]

  • ASEAN, dapat na magdoble-sikap na panindigan at itaguyod ang international law

    DAPAT lamang na magdoble-sikap ang ASEAN  na  itaguyod at panindigan ang  international law sa rehiyon.     “In order to harness the potential of our region, I believe that ASEAN must double its efforts especially in these following priority areas: first, ASEAN should uphold international law and the international rules based system which has underpinned […]

  • Ads December 17, 2022