• December 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BAKUNA SA COVID, DAPAT ISAMA SA CURRICULUM

DAPAT  umanong isingit sa curriculum ng mga estudyante ang  kahalagahan at benepisyo ng bakuna sa Covid-19  upang well-informed ang publiko at mawala na rin ang kanilang pangamba sa nasabing pagbabakuna.

Ayon kay  Dr. Tony  Leachon, Former Special Adviser National Task Force on Covid-19 sa isang press briefing ng National Press Club (NPC), sa loob ng pitong (7) buwan na magsisimula ngayong Disyembre hanggang sa maging available na ang bakuna lana sa Covid-19 ay dapat nang magkaroon ng pag-eeducate sa mga mag-aaral sa elementarya,highschool at maging sa kolehiyo.

Ayon pa kay Leachon, sa loob ng pitong buwan na ito  ang gawin dapat aniya ng gobyerno , nang DOH, DepEd  at lahat ng  centers for education ay magkaroon ng massive media  campaign.

“It think sa 7 months na yan mula ngayong December  ang dapat gawin ng gobyerno natin bago ang pagbabakuna  , the DOH, DepEd,  ang all educations centers should have  a massive campaign  to educate the public on the risk benefits ratio ng bakuna” , ayon pa kay Leachon.

Bukod dito, ilagay din sa curriculum ng mga estudyante ang Covid information vaccination herd immunity .

Dapat din sama-sama ang medical community at tulongan ang DOH sa pagpapaliwanag  ng kahalagahan ng bakuna sa publiko dahil aniya ang nagsasalita lamang ngayon tungkol dito ay ang DOH , Secretary Carlito  Galvez  at Presidential Spokesperson harry Roque..

Ito ay dahil nagkaroon na aniya ng hindi magandang karanasan  sa bakuna ng Dengvaxia kaya naman wala nang tiwala ang publiko sa bakuna bukod pa sa anti vaccine movement at naglalabasang mga anti-vaxxers sa social media na nagbibigay ng maling impormasyon tungkol sa bakuna sa Covid-19.

“The only way na maibabalik ang economic  recovery para magkaroon ng economic exchange right now is really to vaccinated” .

 

“We need to have multiple speakers to talk on the topic na tataas ang credibility nito,”, ayon pa kay  Leachon.

Suhestyon din nito na dapat ang mga may karanasan sa medical ang dapat nagpapaliwanag nito sa tao dahil mas may karanasan aniya kung papaano gagawin at napo-project kung ano ang mangagayri sa bakuna o pagbabakuna.

“Kung may nagsasalita tapos hindi naman doctor, syempre ang hirap mag-explain nito sa  tao kasi hindi niyo maintindihan not because hindi natin mine-menus ang kakayanan but this fix something medical na nagkaroon ka ng experience how to do it., and naproject mo na kung ano ang mangyayari dito.” dagdag pa nito. (GENE ADSUARA)

Other News
  • PBBM sa Kongreso, aprubahan ang 2025 budget na may kaunting rebisyon

    HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mga mambabatas na aprubahan ang executive-crafted National Expenditure Program (NEP) para sa taong 2025 sa kanilang ” usual timely manner” at umaasa na mayroon lamang na kaunti hanggang sa walang rebisyon o pagwawasto. “We look to the cooperation of our colleagues in the legislature, not only that our […]

  • P1 bilyong ayuda sa workers, nakahanda na

    AABOT sa 200,000 manggagawa sa pormal na sektor ang mabibiyayaan sa ilalabas na P1 bilyong halaga ng ayuda ngayong katapusan ng Enero, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).     Tatanggap ng tig-P5,000 ang bawat manggagawa na naapektuhan ng ekstensyon ng Alert Level 3.     Sinabi ni Labor Assistant Secretary Dominique Rubia-Tutay […]

  • Naiisip din na meron at merong papalit sa kanya: OGIE, ilang taong dumaan sa pagsubok pero nalampasan

    KUNG si Ogie Alcasid ang tatanungin ay gusto lang daw niya noon na maging host ng ‘It’s Showtime’.   Matatandaang nagsimula lang bilang isa sa mga hurado ang singer-songwriter para sa Tawag Ng Tanghalan segment ng programa noong 2017.   Kasagsagan pa noon ng pandemic noong 2021 nang maging opisyal na host ng naturang noontime […]