• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BAKUNAHAN SA BEDRIDDEN SA NAVOTAS, SINIMULAN

INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas nitong Huwebes ang house-to-house na pagbabakuna kontra sa COVID-19 upang mapaglingkuran ang mga Navoteño na hindi makapunta sa vaccination sites ng lungsod dahil sa sakit.

 

 

Nasa 30 bedridden senior na mga residente ng Barangay Tangos North at South ang nakatanggap ng kanilang unang bakuna sa kanilang bahay.

 

 

“We extended the city government’s vaccination services to bedridden Navoteños, most of whom are senior citizens, to ensure they are protected against the deadly virus,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

Sinimulan na rin ng lungsod ang pagbabakuna sa mga residente na kabilang sa A5 category o indigent population kung saan nasa 160 mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang nakatanggap na ng kanilang unang dose ng Pfizer sa Tumana Health Center.

 

 

Hanggang June 16, 56,673 mga residente at nagtatrabaho sa lungsod ang nakatanggap na ng kanilang unang jabs habang 14,667 naman ang nakakumpleto na ng kanilang pangalawang doses ng bakuna. 1,052 dito ang frontliners, 5,322 ang senior citizens, 8,240 ang persons with comorbidities, at 53 ang essential workers. (Richard Mesa)

Other News
  • Buy Local Cement and Save Jobs

    The Philippine Cement Industry has faced challenges in past few years. With a challenging business environment brought about by increasing imports, cement dumping from other countries, struggling demand, and the after-effects of the COVID-19 pandemic, Philippine cement manufacturers have continued to ensure that supply and quality cement products are available to every Filipino.     […]

  • PAGBAWI SA PRODUKTONG NOODLES, INIIMBESTIGAHAN

    NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Food and Drug Administration (FDA) sa  ulat ng pagbawi o pag-recall sa isang produkto ng noodles .     Sa inilabas na FDA Advisory ni Officer in Charge Director General Dr.Oscar Gutierrez, Jr para sa mga konsyumer, sinabing  nakikipag-ugnayan na rin ang ahensya sa food business operator upang suriin ang kanilang […]

  • Malakanyang, hinikayat ang mga Pinoy na suportahan si VP Elect Sara Duterte

    HINIKAYAT ng Malakanyang ang mga Filipino na suportahan si Vice President-elect Sara Duterte na nanumpa bilang pang-15 bise-presidente ng bansa, araw ng Linggo, Hunyo 19.     “We once again express our deep gratitude to the Filipino people for the trust and support they have given to the Vice President-elect,” ayon kay acting presidential spokesperson […]