• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Balik-pelikula after na hirangin na National Artist: NORA, excited nang maka-eksena ang kapwa ‘Hall of Famer’ na si ALLEN

ANG ‘The Baseball Player’ na dinirek ni Carlo Obispo ang isa sa big winners sa awards night ng 18th Cinemalaya na ginanap last Sunday, August 14.

 

Nagwagi ito ng award for Best Film for Carlo Obispo. Winner din si Carlo ng award for Best Screenplay.

 

Winner din ang “The Baseball Player” for Best Editing para kay Zig Dulay.

 

 

Hinirang na Best Actress si Max Eigenmann for “12 Weeks’ while Best Actor winner naman si Tommy Alejandrino for ‘The Baseball Player.’

 

 

Best Supporting Actress si Ruby Ruiz for “Ginhawa’ samantalang nagwaging Best Supporting Actor si Soliman Cruz for “Blue Room.”

 

 

Ang isa pang big winner ay ang “Blue Room” na dinirek naman ni Ma-an L. Asuncion Dagnalan na winner ng Best Director Award.

 

 

Winner din ang “Blue Room” ng Special Jury Prize, Best Cinematography for Neil Daza, at Best Production Design for Marxie Maolen Fadul.

 

 

Ang NETPAC Award naman ay iginawad sa “12 Weeks.”

 

 

Ang iba pang winners sa Full Length Category ay Isha Abubakar for Best Original Musical Score para sa “Retirada,” Pepe Manikan for Best Sound Design para sa “Bula sa Langit” at Audience Choice Award para kay TM Malones for “Kargo.”

 

 

***

 

 

ANG bagong National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ms. Nora Aunor ay magbabalik-pelikula para sa AQ Prime, ang bagong streaming app.

 

 

Ito ang unang film project ng multi-awarded actress matapos ang pagkahirang sa kanya bilang Pambansang Alagad ng Sining.

 

 

Pumirma na si Ate Guy ng kontrata sa AQ Prime last week together with her co-stars na nagpahayag nang kagalakan na makakasama nila ang Superstar sa isang bagong movie.

 

 

Bida si Ate Guy sa ‘Ligalig’, isang horror film, kung saan makakasama niya si Allen Dizon. Ito ay mula sa direksyon ni Topel Lee.

 

 

Kasama rin sa movie sina Snooky Serna, Shido Roxas, Devon Seron, Winwyn Marquez, Yana Fuentes at RS Francisco.

 

 

Ito ang unang pagsasama sa pelikula nina Ate Guy at Allen, who had been elevated to the FAMAS Hall of Fame for winning 5 best actor awards.

 

 

Hall of Famer din ng FAMAS si Ate Guy kaya exciting ang pagsasama nila ni Allen sa ‘Ligalig’.

 

 

Matinding tagisan sa acting ang magaganap sa pagitan nina Ate Guy at Allen na pawang tinitingala ang husay sa acting.

 

 

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Sara Duterte nagbitiw sa ‘Hugpong’ sumali sa partidong Lakas- CMD

    Ilang araw bago ang deadline ng election substitution sa ika-15 ng Nobyembre, naghain na ng kanyang resignation si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio mula sa kanilang regional party na Hugpong ng Pagbabago (HNP).     Kinumpirma ng HNP ang balita sa pamamagitan ng kanilang secretary general na si Anthony del Rosario sa isang pahayag, Huwebes. […]

  • Phoenix Suns nalusaw kay Jimmy Butler, Heat

    SINANDALAN ng Miami Heat si veteran scorer Jimmy Butler upang pasukuin ang Phoenix Suns, 104-96, sa 2022-2023 National Basketball Association (NB) regular season game kahapon.   Tumikada si Butler ng 20 puntos, anim na assists at limang rebounds upang tulungan ang Heat na ilista ang 21-19 karta at hawakan ang No. 8 spot sa Eastern […]

  • QC MAYOR JOY, POSITIBO SA COVID-19

    Sa Facebook post ng Quezon City Government kahapon, July 8 ay nagbigay ng pahayag si Quezon City Mayor Joy Belmonte ukol sa resulta ng kanyang Covid-19 test. Narito ang kanyang nagging pahayag.   “Nais ko pong ipahayag sa lahat ng aking minamahal na QCitizens na ako po ay nag-positibo sa aking huling COVID-19 test. Nagpapasalamat […]