• April 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Band member, 2 bebot kalaboso sa P1.6M kush at marijuana sa Caloocan

NASAMSAM sa tatlong drug suspects, kabilang ang isang band member na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) ang mahigit P1.6 milyong halaga ng droga matapos matimbog sa buy bust operation sa Caloocan City, Lunes ng umaga.

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Acting District Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals ang mga suspek na sina “Mike”, 44, band member, alays “Rose”, 35, tattoo artist at alyas Marj”, 27.

Ani Col. Canals, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Restie Mables, sa koordinasyon sa PDEA ang buy bust operation matapos magpositibo ang natanggap na ulat hinggil sa umano’y ilegal drug activities ni alyas Mike.

Nang matanggap ang sinyas mula sa kanyang kasama na nagpanggap na poseur buyer na hudyat positibo na ang transaksyon, agad lumapit ang back up na operatiba saka inaresto ang mga suspek dakong alas-11:34 ng umaga sa Phase 5A, Package 3, Bagong Silang, Barangay 176.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 1,000 grams ng high-grade Kush na nagkakahalaga ng P1,400,000 at 2,170 grams ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P260,400, na may kabuuang halaga na P1,660,400.00, buy-bust money, at asul eco bag.

Mahaharap ang mga suspen sa kasong paglabag sa Sections 5, 26, at 11 ng Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinuri ni Col. Ligan ang Caloocan police para sa kanilang mabilis na aksyon sa pagpapabagsak sa isa pang operasyon ng iligal na droga. (Richard Mesa)

Other News
  • State funeral para kay Queen Elizabeth II, gaganapin sa September 19

    NAKATAKDANG  isagawa ang state funeral para kay yumaong Queen Elizabeth II sa Setyembre 19 na gaganapin naman sa Westminster Abbey sa London, pasado alas-11:00 umaga, oras sa United Kingdom.     Batay ito sa naging anunsyo ng Buckingham Palace kasabay ng pagkumpirma na dadalhin sa St. George’s Chapel sa Windsor Castle ang mga labi ng […]

  • Ads January 27, 2023

  • Alden at Gabbi, hinirang na Best Actor at Best Actress

    MALAPIT nang manganak sa kanyang third baby si Andi Eigenmann.     Sa kanyang latest post sa social media, nilantad ni Andi ang kanyang nine month baby bump. Excited ang aktres dahil baby boy ang isisilang niya ngayong 2021.     “And just like that, I’m at 36 weeks!! Holiday festivities kept us busy, since […]