Barangay on-site registration ikinasa ng More Power para sa discount sa kuryente
- Published on August 8, 2023
- by @peoplesbalita
SA HANGARIN na maabot ang mas maraming Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) members at marginalized sector, nagdeploy ng kanilang personnel ang More Electric and Power Corporation (More Power) sa mga barangay para tumanggap ng aplikasyon para mabigyan ng diskwento sa singil sa kuryente o ang lifeline rate subsidy sa ilalim ng Epira Law.
Ayon kay More Power President at CEO Roel Castro layon ng kanilang ginawang hakbang na matiyak na mas mapalapit sa marginalized group ang lifeline rate subsidy at marami ang maka-avail nito. “In addition to accepting applications in our office, we also deploy personnel to barangays for on-site registration,” pahayag ni Castro kung saan hanggang nitong Agosto 2 ay nasa 1,519 aplikasyon na ang kanilang natatanggap mula sa 42 barangay. Inabisuhan nito ng mga consumers na palagian lamang bisitahin ang kanilang official Facebook page para sa petsa at lugar ng barangay on-site registration.
Ang full rollout ng aplikasyon para sa subsidy ay pinalawig ng DOE hanggang sa buwan ng Setyembre dahil sa mababang turnout ng aplikasyon. “There are 4.2 million household beneficiaries of 4Ps, and the registration for lifeline subsidy remains very low.
Only those who register will continue to receive a reduction in their electricity bills beginning August 2023,” una nang pahayag ni Energy Secretary Raphael Lotilla.
Hinimok ni Castro ang mga eligible applicants na samantalahin ang maaaring makuha na diskuwento lalo at mas pinalapit na ng More Power sa mga residente ang aplikasyon.
Sa ilalim ng bagong polisiya ng Enhanced Lifeline Subsidy na ipinalabas ng Department of Energy (DOE), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Energy Regulatory Commission(ERC), ang mga 4Ps members gayundin ang marginalized sector na kumukunsumo ng mas mababa sa 100Kwh kada buwan ang eligible na sa subsidy.
Sa mga 4Ps members kailangan lamang na magsumite ng application form, latest electricity bill, Government issued ID at 4Ps ID, sa mga marginalized end user o ang household na may 5 miyembro subalit mayroon lamang pinagsamang buwanang kita na P12,030 ay maaari din na mag-apply ng lifeline subsidy, maliban sa naunang requirements, kailangan lamang na magsumite ng sertipikasyon mula sa local Social Welfare Development Office (SWDO) na nagpapakita ng kanilang family income ay mababa sa poverty threshold na itinakda ng Philippine Statistics Authority (PSA).
-
Mag-asawa, 3 pa binitbit sa P272K shabu sa Valenzuela
TINATAYANG abot P272,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa limang drug suspects, kabilang ang isang mag-asawa matapos maaresto sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City. Ayon kay Valenzuela police chief Col. Salvadro Destura Jr, dakong alas-7:30 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit […]
-
Shootout: 2 drug suspect utas, P68 milyong shabu nasamsam
Patay ang dalawang pinaniniwalaang miyembro ng “Divinagracia drug syndicate”matapos manlaban sa mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) at National Capital Regional Drug Enforcement Unit sa Muntinlupa City, kamakalawa ng gabi. Kinilala nina PNP chief, General Guillermo Eleazar ang mga napaslang na sina Jordan Abrigo, alyas Jordan at Jayvee De Guzman o […]
-
PDu30, napanatili ang mataas na approval, trust ratings
NAPANATILI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang “high approval at trust scores” sa third quarter habang papalapit na ang election season sa Pilipinas. Ito ang lumabas sa third quarter survey ng political consultancy firm. Ayon sa PUBLiCUS Asia Inc.’s Oct. 11 to 18 poll, nakapag- rehistro si Pangulong Duterte ng overall approval rating […]