• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BARBIE, ‘di na malilimutan dahil sa wakas nakatrabaho na ang iniidolo na si CHRISTOPHER

VERY excited na si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza na tuloy na ang airing ng I Can See You: The Lookout.

 

 

Isa ito sa bagong episode sa second season ng drama anthology, na dapat ay ipinalabas noong Monday, April 12, pero dahil sa biglaang pagla-lockdown sa National Capital Region (NCR), hindi nila natapos ang lock-in taping nila.  Kaya sa halip, ni-replay muna ng GMA Network ang suspense-thriller episode na Truly. Madly. Deadly. nina Jennylyn Mercado, Rhian Ramos at Dennis Trillo.

 

 

  “Na-excite po ako talaga nang malaman kong bagong cast naman ang makakasama ko rito, at hindi ko makakalimutan na sa wakas, makakatrabaho ko na rin ang isa sa mga iniidolo at nirirespeto kong actor, si Mr. Christopher de Leon,” kuwento ni Barbie.

 

 

“I’m glad po rin na muli kaming magtatambal ni Paul Salas na una kong nakasama sa KaraMia. Huwag po ninyong kalimutang panoorin ang episode namin dahil naiiba po ang story at mga mahuhusay na artista ang kasama ko.  For these, nagpapasalamat po ako sa GMA sa bagong opportunity na ibinigay nila sa akin.”

 

 

Makakasama rin ni Barbie sina Adrian Alandy, Benjie Paras, Arthur Solinap, Elija Alejo, Marina Benipayo, at Ella Kristofani.

 

 

      ***

 

 

“QUALITY time” ang post ng Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa kani-kanilang Instagram account, habang magkasama sila sa kanilang bahay last Sunday, April 11.

 

 

Caption ni Marian: “Quality time with my husband tonight.  Thank you for always putting a smile on my face.”

 

 

Ang sweet and simple moment caption naman ni Dingdong with wife Marian: “tanggal ang pagod ko.”

 

 

May isa pa siyang post habang nagkukulitan silang mag-asawa.

 

 

“Sunday kulitan in her new office.  Naaaks…new office day, o!  Sometimes all we have to do is just rearrange what is there to make things feel and look new, kahit hindi naman, kaya ayun, good vibes tuloys.” 

 

 

Dagdag pa ni Dingdong, iyon daw ang favorite spot ni Marian. Work from home talaga si Marian, lahat ng trabaho niya, kahit ang pagti-tape niya ng mga spiels ng kanyang OFW docu-drama na Tadhana, ay doon niya isinu-shoot na si Dingdong naman ang nagdidirek.

 

 

Ngayon ay busy ang mag-asawa sa paghahanda para sa coming second birthday ng bunso nilang si Sixto, na tulad last year ay wala pa ring bonggang birthday celebration, dahil under MECQ naman tayo.

 

 

This Friday, April 16 ang birthday ni Ziggy.

 

 

***

 

 

AFTER manalo ni EA Guzman ng Best Supporting Actor sa pelikulang Coming Home sa katatapos na The EDDYS, mas gusto niyang makagawa ngayon ng mga pelikula at magampanan ang mga dream roles na matagal na niyang gustong gawin.

 

 

     “May mga roles pa rin akong gustong gawin, isa na rito iyong may sakit ako, like may epilepsy, gusto ko pa ring gumawa ng mga dramatic roles,” sabi ni EA.

 

 

“At siyempre po, gusto ko pa ring gumawa muli ng mga gay roles, kahit once in a while, dahil nakaka-miss din.  Sa tingin ko po naman ay magagawa ko pa rin ang mga roles na ganoon at mabibigyan ko pa rin ng justice.”

 

 

May coming primetime romantic-drama series si EA, ang Heartful Cafe, kasama sina Julie Anne San Jose, David Licauco, at Victor Anastacio, na mapapanood sa GTV.  (NORA V. CALDERON)

Other News
  • Tate, Vera ONE FC Ambassadors

    NAGBIGAY pugay at inspirasyon sa tropa ng Amerikano sina dating UFC women’s bantamweight champion at current ONE Championship Vice President Miesha Tate at ONE Heavyweight World Champion Brandon “The Truth” Vera sa Andersen Air Force Base sa Guam.   Isinagawa ang pagbisita sa pakikipag-ugnayan sa United Service Organizations (USO) bilang pagbibigay kahalagahan sa nagawa ng […]

  • Pag-review sa K-12 program sa PH, suportado ng sektor ng mga guro

    SUPORTADO ng sektor ng mga guro sa bansa ang panawagang busisiin ang K-12 program para ganap na matugunan ang mga probema dito.     Ayon kay ACT Teachers party-list lawmaker France Castro, maghahain muli ito ng isang resolution sa 19th Congress na hihikayat sa House of Representatives na magsagawa ng pagsisiyasat partikular na sa ilang […]

  • PCOO, nagsagawa ng handover ceremony at pag-welcome sa bagong pinuno nito

    TINURN-over na ni  Outgoing Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang mga mahahalagang dokumento ng ahensiya kay incoming PCOO Secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles.     Sa isinagawang  PCOO New Administration Continuity Handover Ceremony,  sinabi ni Andanar  na kumpiyansa siya na mapananatili ni Secretary-designate Cruz-Angeles ang game-changing reforms, lalo na ang pagsisikap na mas […]