Basas sa PLDT na papalo
- Published on February 9, 2021
- by @peoplesbalita
SA PLDT Home Fibr Power Hitters na hahambalos sina Toni Rose ‘Chin’ Basas, Christine Joy ‘Eli’ Soyud, Mariella ‘Yeye’ Gabarda at Maria Nieza Viray.
Pumuwersa ang koponan sa pagpasok nina 5-foot-10 opposite spiker Soyud, 5-foot-8 opposite hitter Basas at 5-foot-10 middle blocker Gabarda na mga naging veteran free agent at mga huling naglaro sa Generika-Ayala Lifesavers. Sa Chef’s Classic huling humataw si Viray.
“Malaking bagay sila kasi mga experience na, malaking maitutulong sa amin. Sa mga pinanggalingan nilang team, nagagamit sila at malaki ‘yung nakuha nila na exposure dun,” suma ni Fibr coach Rogelio ‘Roger’ Gorayeb.
Hinirit pa niyang, “Sana mabitbit nila ‘yun sa amin, talagang mapi-fill nila ‘yung gap na nawala sa amin plus malalaki pa sila at mga bata pa.”
Lilipat na rin ang Power Hitters mula sa semi-professional Philippine SuperLiga (PSL) patungong pro Premier Volleyball League (PVL) na magka-Calambubble training camp sa Inspire Sports Academy sa Laguna sa Abril.
Kaya nagsilbing huling laro na nito sa 8th PSL Grand Prix 2020 noong Marso na napurnada dahil sa COVID-19. (REC)
-
Jesus; Matthew 28:20
I am with you always.
-
Delta strain ng Covid-19 ‘nananatiling nasa paligid lang’- Malakanyang
SA KABILA ng pag-aaral na nagpapakita na ang Omicron variant ay “milder strain” ng Covid-19, pinaalalahanan ng Malakanyang ang publiko na huwag maging kampante dahil mas mayroong mas “lethal strains” ng coronavirus, gaya ng Delta, ang patuloy na nage-exist. Ang pahayag na ito ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay […]
-
Heat stroke at iba pang sakit sa tag-init, ibinabala ng DOH
Mas pinaigting ng Department of Health (DOH) ang panawagan sa publiko na iwasang maglalabas ng bahay dahil sa bukod sa COVID-19, mapanganib rin ngayon ang mga sakit dulot ng matinding init kabilang na ang heat stroke. Sinabi ni DOH-Calabarzon Regional Director Dr. Eduardo Janairo na maliban sa heat stroke, dapat iwasan din ng […]