BASBAS IBINIGAY SA BBM-SARA UNITEAM NG EL SHADDAI
- Published on February 14, 2022
- by @peoplesbalita
PORMAL nang inendorso ng pinamalaking Catholic charismatic group sa bansa na El Shaddai, na may mahigit anim na milyong miyembro sa buong mundo, ang kandidatura ni presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at kanyang running -mate na si vice-presidential bet Inday Sara Duterte para sa darating na halalan.
Naganap ang pagtataas ng kamay sa pangunguna ni El Shaddai founder Bro. Mike Velarde sa prayer meeting ng grupo nitong Sabado sa Amvel compound, Parañaque City matapos isigaw ng mga dumalo ng misa ang “Brother Mike, the choice is yours!”
Ayon sa mga miyembro, ito ang unang beses na sa publiko mismo nagtaas ng kamay ang kanilang 82-year-old leader at televangelist.
“First time niya magtaas ng kamay. Noon hindi iyan nagtataas ng kamay iniimbitahan lang niya pero ngayon dalawa pang kamay ang itinaas niya in public,” ayon sa mga miyembro.
Sa isang panayam sa mga reporter, sinabi ni Velarde na oras na para magkaisa ang mga Pilipino kaya’t ang BBM-Sara UniTeam ang kanilang napili.
“After all, napagbigyan na natin ‘yung mga kalaban ni Marcos baka naman ito may magawang mabuti sa atin that’s why I have chosen them,” sabi nito.
“Open-minded sila (UniTeam). Panahon na para magkaisa tayong Pilipino,” dagdag pa niya.
Ayon kay Velarde, ang lahat ng kanilang chapters sa labas at loob ng bansa ay susuporta at tutulong sa UniTeam.
Nilinaw din niya na hindi sila umaasa ng kahit anong kapalit sa kanilang pag-endorso kung sakaling mahalal ang UniTeam kundi ang kanilang nais ay ang kaunlaran ng bansa.
“Kailangan masolusyonan nila kaya lang hindi pwedeng gawin ‘yun kung walang suporta ang bayan, kaya kailangan magkaisa tayo na suportahan ang namumuno sa atin,” sabi ni Velarde.
Para kay Marcos, ang mensahe ng pagmamahal na itinuturo ng El Shaddai ay kaakibat ng kanilang mensahe ni Sara ng pagkakaisa.
“We are always very grateful to Brother Mike for all his support and help through the years. Actually this is not the first time. Napakalaki ng utang na loob ko, ng aming grupo, si Inday Sara kay Brother Mike at sa lahat ng kasama ng El Shaddai sa kanyang pag-endorso sa amin,” sabi niya.
“He sends a message of love, and ours is a message of unity. It works very well together,” dagdag ni Marcos.
Sa harap ng libo-libong miyembro ng El Shaddai na masayang naghihiyawan ng makita ang UniTeam, sinabi ni Marcos na sa pamamagitan ng pagmamahalan, makakamit ang pagkakaisa.
“Pinapakinggan ko ang leksyon ngayong araw na ito, kasama ninyo, at ang utos sa atin ng Panginoon is love each other. ‘Yan po ang magsisimula sa ating pagkakaisa,” sabi niya.
“Kaya po, sana po, hinihingi po ang inyong tulong na ipagpatuloy itong kilusan na ito. Ipagpatuloy natin ang ating pagmamahal sa isa’t isa, sa ating pagtulong sa isa’t-isa hanggang tayo ay magtagumpay hindi lamang sa darating na halalan sa Mayo kung hindi ang tunay na tagumpay ng pagkakaisa ng sambayanang Pilipino,” dagdag niya pa.
Para kay Marcos, pagkakaisa ang instrumento upang malagpasan ng mga Pilipino ang lahat ng hamon na kakaharapin ng bansa.
“Nakita na po natin ‘yan sa lahat ng pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas na ang ating pagkakaisa ay naging dahilan kung paano tayo nakaraos sa lahat ng hamon ng panahon, lahat ng sakuna, lahat ng giyera, lahat ng bagyo, lahat ng lindol, at ngayon itong pandemya, ngayon itong ekonomiya, mahaharap natin basta tayo ay nagkakaisa,” sabi niya.
“Ito po ang aming layunin, ito ang aming pangarap. Kaya po ay pagkaisahin natin, sundan po natin ang leksyon, ang turo ng ating Maykapal: Love each other and as we love each other, we will come together as one nation. Sa pagkakaisa na iyon, sama-sama tayong babangon muli,” giit pa niya.
Samantala, nagpasalamat naman si Sara sa buong El Shaddai group sa kanilang suporta sa UniTeam.
“Nagpapasalamat po kami kay Brother Mike Velarde at sa buo pong church ng El Shaddai sa kanilang pagsuporta sa kandidatura ko at ni Apo BBM. Nagkausap po kami and nagsabi po siya na i-endorse niya kami as president and vice president,” sabi niya.
Bilang pagpapasalamat sa mainit na pagtanggap ng lahat ng miyembro ng El Shaddai group, kumanta si Bongbong at Sara ng “Paano Kita Mapapasalamatan” at “Gaano Ko Ikaw Kamahal”.
Maliban sa BBM-Sara tandem, inendorso rin ng grupo si UniTeam Senator Mark Villar. Ayon kay Velarde, 14 na mga kandidatong pagka-senador ang kanilang i-endorso para pagpilian ng kanilang mga kasamahan.
Milyong tao din ang nakasaksi sa kaganapan dahil ipinakita ito nang live sa pamamagitan ng kanilang mga online platform at napakinggan sa pamamagitan ng kanilang DWXI 1314 radio station.
Noong 2016, si Marcos din ang inendorso na vice-presidential candidate ng El Shaddai group.
-
FIST ACT pirmado na ni PDu30
KINUMPIRMA ng Malakanyang na napirmahan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang isang batas ang RA 11523 o mas kilala bilang Financial Institution Strategic Transfer o FIST ACT. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na napapanahon na ang pagpasa ng FIST Law lalo na sa ngayon na ang lahat ay nasa panahon ng pandemiya. […]
-
Gobyerno, nagbago na ng approach para i-maximize ang suplay ng tubig sa Mindanao sa gitna ng La Niña-PBBM
NAGBAGO na ng atake at hakbang ang gobyerno para i-maximize ang suplay ng tubig sa gitna ng La Niña phenomenon na inaasahan na tatama sa maraming bahagi ng Mindanao sa huling bahagi ng taong kasalukuyan. “Nagbago na talaga ang approach sa flood control, sa irrigation at lahat. Kaya’t ‘yun ang sinusundan namin ngayon,” […]
-
2 milyon pa lang ang nabigyan ng Covid-19 booster sa PinasLakas campaign ng DOH
HIGIT 2 milyong katao pa lang ang nabakunahan ng booster shot sa ilalim ng PinasLakas campaign ng Department of Health. Nasa 2.1 milyon pa lang ang nakakuha ng booster shot sa loob ng 23 milyong target mabakunahan sa unang 100 days ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Oktubre. Nasa 25,638 pa […]