• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Batas na nagpangalan kay Fernando Poe Jr. sa Roosevelt Ave, pirmado na ng Pangulo

OPISYAL nang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang batas naglalayong ipangalan sa namayapang King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. ang Roosevelt Avenue sa Quezon City.

 

 

Sa pamamagitan ng Republic Act 11608 pinalitan na bilang Fernando Poe Jr. Avenue ang Roosevelt Avenue sa Quezon City.

 

 

Ipinag-utos ng batas sa Department of Public Works and Highways na magpalabas ng kaukulang “rules, orders, at circulars” para ipatupad ang nasabing probisyon sa loob ng 60 araw mula sa effectivity date.

 

 

Labis naman ang pagpapakumbaba ng anak ni FPJ na si Sen. Grace Poe at pamilya nito sa nasabing batas.

 

 

“FPJ Avenue gives my father’s works and legacy a sense of place in our nation’s history,” ayon kay Senador Poe.

 

 

Nauna rito, nagkaisa ang mga senador sa kanilang pagboto noong Lunes, September 13, na ipangalan kay Fernando Poe Jr. ang Roosevelt Avenue, Quezon City bilang pagkilala at pagpupugay sa King of Philippine Movies.

 

 

Sa ginanap na botohan, 22 ang bumoto pabor sa pag-apruba sa panukala na layuning kilalanin ang kontribusyon sa bansa ni FPJ, na pumanaw noong 2004.

 

 

Tanging si Senador Grace Poe, anak ni FPJ, ang nag-abstain sa botohan dahil sa “conflict of interest.”

 

 

“It is so heartwarming to see your reaction to this vote. I purposely abstained that it might be a conflict of interest but in my heart, I am so happy that this passed,” ayon sa senadora.

 

 

Si Senador Lito Lapid, isa ring aktor, ang nagsulong sa Senado ng panukala, na unang inirekomenda na ang Del Monte Avenue ang ipangalan kay FPJ, kung saan nakatayo ang kumpanya nito.

 

 

Pero inirekomenda ni Senate President Tito Sotto, isa ring nangmula sa showbiz, na amyendahan ang panukala, at sa halip ay ang Roosevelt Avenue ang ipangalan kay FPJ dahil sa naturang lugar umano lumaki ang namayapang aktor.

 

 

Bukod dito, may malalim umanong bahagi ng kasaysayan ang San Francisco del Monte District na itinatag noon 1590 ni Fr. Pedro Bautista.

 

 

“Retain the name Del Monte Avenue, a landmark and witness to many historical events dating back to the 1590s, and preserve the living traditions of San Pedro Bautista, a saint who actually walked the streets of San Francisco del Monte,” ayon sa pahayag noon ng Basilica Minore de Santuario de San Pedro Bautista

 

 

Ang Roosevelt Avenue ay ipinangalan kay dating US president Franklin Delano Roosevelt.

 

 

Matatandaang, binawian ng buhay si FPJ dahil sa cerebral thrombosis at multiple organ failure noong December 14, 2004.

 

 

Mahigpit naman ang naging pagtutol ng mga pari sa San Francisco Del Monte Church.

 

 

Sinabi ng Order of Friars Minor ng Franciscan Province of San Pedro Bautista na may historical, religious, at cultural significance ang Del Monte Avenue na itinuturing nilang sagrado.

 

 

Bukod sa alay kay St. Francis, namalagi, nagdasal, nagnilay-nilay, at naglingkod ang Franciscan missionaries at si Pedro Bautista sa San Francisco Del Monte. (Daris Jose)

Other News
  • 7 sasakyan karambola sa NLEX

    Nagkabanggaan ang pitong sasakyan sa North Luzon Expressway (NLEX) nitong Linggo ng hapon. Nangyari ang banggaan sa Southbound lane patungong Metro Manila sa Mexico, Pampangan section ng NLEX.   Ayon kay NLEX traffic manager Robin Ignacio, nangyari umano ang karambola matapos na prumeno ang isang motorista dahilan para magkabangaan ang nakasunod dito.   Isang bus […]

  • PDu30, binanggit ang tagumpay ng Pilipinas laban sa China hinggil sa agawan ng teritoryo sa South China Sea

    TINUKOY ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang tagumpay ng Pilipinas laban sa China sa agawan ng teritoryo sa South China Sea.   Sa kanyang naging talumpati sa United Nations General Assembly, sinabi ng Pangulo na hindi pinapayagan at hindi tinatanggap ng Pilipinas ang anumang pagtatangka na sisira sa July 2016 ruling ng Permanent Court of […]

  • PBBM, ipinag-utos sa DOE na tugunan ang power situation

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Energy (DoE) na kagyat na tugunan ang energy situation sa bansa kasunod ng red alert na deklarasyon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).     “In light of the recent Red and Yellow Alerts in the Luzon Grid, I have instructed the Department of […]