• September 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bato, nag-sorry sa ABS-CBN

“Pasensya na po kung kayo ay nasaktan.”

 

Ito ang pahayag ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa mga kawani ng ABS-CBN Corporation matapos niyang sabihin noong Martes na mas prayoridad niya ang kapakanan ng milyong Pinoy kaysa 11,000 kawani na mawawalan ng trabaho kung magsara ang naturang network.

 

“Pasensya na po kung kayo ay nasaktan. Ang tingin ko po ay ang buong kapakanan ng buong bansang Pilipinas, kasama na po kayo doon, ‘di po ito exclusive kapakanan po ng buong bansa ang inisip natin,” pahayag ni Dela Rosa sa panayam ng CNN.

 

“Hindi na pabayaan na kung may mali magpatuloy ang mali. Tayong mga mahihirap lalo tayo kinakawawa ng mga oligarch na ito, hindi pwede ‘yun, hindi fair yun, dapat pantay ang laban. Hindi ‘yung iisahan tayo porke mahirap tayo,” sambit pa nito.

 

Sabi ni Dela Rosa, kung mapatunayang na pinagsamantalahan ng ABS-CBN ang Sambayang Pilipino, nararapat lang aniya hindi na bigyan ito ng panibagong prangkisa.

 

Pero kung mapatunayan aniya sa gagawing pagdinig ng Senado sa franchise bill ng ABS-CBN, itutulak aniya na ma-renew ang prangkisa nito.

 

“If during the hearing ma-establish natin na itong ABS-CBN pala ay isang Santo at hindi makasalanan, so ako mismo I will push para ma-renewal ng franchise,” sabi ni Dela Rosa.

 

“At ako mismo ang magsasabi kay President na “Sir mukhang mali ‘yung information na dumating sa iyo, ganito ganito pala ang tama. Ako mismo hindi ko hahayaan na mangibabaw ang mali, dapat ang tama lang, you tell the truth, yang dapat ang lalabas,” dagdag pa nito. (Daris Jose)

Other News
  • 3 MENOR DE EDAD NA KABABIHAN, NAISALBA SA ONLINE SEXUAL EXPLOITATION

    NAISALBA ng National Bureau of Investigation (NBI)-Anti Human Trafficking (AHTRAD) ang tatlong menor de edad na kababaihan na biktima ng Human trafficking sa Dasmarinas City, Cavite.   Ayon kay NBI Officer-in-Charge (OIC) Director Eric B. Distor na nag-ugat ang kaso mula sa  Federal Bureau of Investigation (FBI) na ipinadala sa Philippine Internet Crimes Against Children […]

  • DENNIS, tuloy na ang pag-attend sa Venice International Film Festival para na movie na official Philippine entry

    ITALY bound na si Kapuso Drama actor Dennis Trillo since tapos na tapos na ang primetime series niyang Legal Wives, kaya walang problema.     Tuloy na ang pag-attend niya ng Venice International Film Festival, na official Philippine entry doon ang movie niyang On The Job: The Missing 8 directed by Erik Matti.     […]

  • Miami Heat pasok na sa NBA semifinals dahil sa 4-1 lead sa serye vs Atlanta Hawks

    PASOK na rin sa second round ng NBA playoffs ang Miami Heat o sa Eastern Conference semifinals matapos na talunin sa Game 5 ang Atlanta Hawks, 97-94.     Ang panalo sa serye ng Miami sa 4-1, ay sa kabila na hindi nakalaro ang dalawa nilang superstars na si Jimmy Butler at Kyle Lowry.   […]