Bawas sa physical distancing sa mga PUV taliwas sa safety policies
- Published on September 18, 2020
- by @peoplesbalita
IPINAHAYAG ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na ang pagbabawas ng distansya sa physical distancing sa mga pampublikong sasakyan ay taliwas sa mga umiiral na safety policies.
“Lumabas sa pag-aaral ng mga health experts na ang social distancing, tamang pagsuot ng face mask at handwashing ay nakakatulong para maiwasan ang hawaan ng virus,” ani Tiangco.
“Ang mga tren, air-con na bus, eroplano at iba pang pampublikong transportasyon ay mga closed spaces. Sa mga espasyong tulad nito, mas mataas ang posibilidad ng hawaan”, dagdag niya.
“Anim na buwan nating itinuturo sa ating mamamayan ang halaga ng pagdidistansya kahit sa bahay at lugar ng trabaho bakit natin hayaan na iwan nila ang safety measure sa pagsakay sa public transportation?” patuloy niya.
Naghayag din ng pagkabahala si Tiangco na ang pagre-relax sa physical distance requirement ay maaaring maglagay sa mga mamamayan sa panganib na mahawa ng sakit.
Kinatigan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang panukala ng Economic Development Cluster (EDC) at Department of Transportation (DOTr) para madagdagan ang mga sumasakay sa pamamagitan ng pagbabawas ng distansya sa mga mass transit.
Mula isang metro, ang itinakdang physical distance sa pagitan ng mga pasahero ay unti-unting babawasaan ng .3 meters matapos ang apat na lingo. (Richard Mesa)
-
DepEd: Late enrollees tatanggapin
SINIGURO ng Department of Education (DepEd) na kaagad tatanggapin ang late enrollees. “Once registered on Monday, learners will get accepted right away,” ayon kay DepEd Undersecretary for Planning Jesus Mateo. Ngunit ayon kay Mateo na maghihintay pa ang mga ito ng tagubilin sa guro upang isaayos ang kanilang gagamitin. Ayon sa ahensya, […]
-
PDU30, hindi na dadalo sa ceremonial turn-over ng iba pang Covid-19 vaccine brands sa Pinas
HINDI na dadaluhan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang ceremonial turnover ng iba pang Covid-19 vaccine brands sa Pilipinas. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang pagdalo ni Pangulong Duterte sa pagdating ng Sinovac-made “CoronaVac” vaccines ng China na binili ng gobyerno ng Pilipinas noong Marso 29 ang huling magiging pagdalo nito. […]
-
DILG Financial Housekeeping, pasado ang Navotas
PASADO ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa 2019 Good Financial Housekeeping standards ng Department of the Interior and Local Government (DILG) dahil sa tapat na pamamahalang pampinansyal. “Ang pagpasa sa good financial housekeeping standards ay nagpapatibay sa ating pagsisikap na gugulin ang pondo ng bayan sa hayag at tapat na paraan,” wika ni Mayor […]