• November 8, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BEA, sasagutin ang ilan sa mga pinakamahihirap na tanong sa ‘TBATS’; guestings muna habang hinihintay si ALDEN

SIMULA na ng bagong Kapuso actress na si Bea Alonzo ng pagtatrabaho sa GMA Network, pagkatapos niyang pumirma ng exclusive contract  last July 1. 

 

 

Miss na rin daw magtrabaho ni Bea after nilang bumalik sa short US vacation kasama ang boyfriend na si Dominic Roque.

 

 

Kaya humanda na sa good vibes sa Sunday, September 12, sa first TV guesting ni Bea sa The Boobay and Tekla Show. No holds barred ang interview nina Boobay at Tekla sa “May Pa-Presscon” segment ng show na sasagutin lahat ni Bea ang ilan sa mga pinakamahihirap na questions mula sa kanyang heartbreak, ang relationship status nila ni Dominic at ang career plans sa kanya ng GMA.

 

 

Game na game din si Bea sa pagkanta sa “Birit Showdown” na she will sing ng mga top hits ni Adele.

 

 

Ang TBATS ay napapanood every Sunday after Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA-7.

 

 

Malamang hindi ito ang unang paggi-guest ni Bea sa GMA shows, habang hinihintay niyang matapos ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards ang lock-in taping nito ng teleseryeng The World Between Us nila nina Tom Rodriguez at Jasmine Curtis-Smith.

 

 

Magtatambal sina Bea at Alden sa Philippine adaptation ng isang top Korean movie.

 

 

***

 

 

THANKFUL si Kapuso Drama Actor Dennis Trillo at ang bumubuo ng GMA Primetime series na Legal Wives dahil sa patuloy na mataas na rating na natatanggap nila mula sa mga televiewers na sumusubaybay sa serye.

 

 

Last Tuesday, September 7, nakatanggap sila ng 16.0 percent mula sa Nielsem Philippines NUTAM People’s Ratings (Combined) laban sa katapat nilang FPJ’s Ang Probinsyano, na nakakuha ng 12.7 percent.

 

 

“Shukran” o salamat, ang ipinaabot ng serye sa lahat ng sumusubaybay sa kanila.

 

 

Matitindi na kasi ang mga eksenang napapanood ngayon sa Legal Wives, dahil may tension na sa dalawang legal wives ni Ismael (Dennis) na sina Diane (Andea Torres) at Amirah (Alice Dixson) at papasok pa ang problema ni Farrah (Bianca Umali) na nag-offer na rin si Ismael na pakasalan niya.

 

 

Mas maagang napapanood ngayon ang Legal Wives, gabi-gabi after 24 Oras.

 

 

***

 

 

SUNUD-SUNOD ang blessings na dumarating kay Kapuso actress-host Camille Prats.

 

 

Bukod kasi sa daily morning show nila ni Iya Villania, ang Mars Pa More, at ang Makulay ang Buhay napapanood every Saturday at 9:45 am at Tuesday, 8:00 am, sa GMA-7, si Camille din ang kinuhang mag-host ng “Knorr Nutri-Sarap Kitchen,” nang mag-partner ang GMA Network at Knorr para magpakita kung paano mag-serve ng nutritious and delicious meals.

 

 

Magsisimula ang show sa Sunday, September 12, 10:05 am sa GMA-7, na magpi-feature si Camille ng success stories ng mga Pinoy na “laki sa Knorr” tulad nina Marc Pingris, Doc Jeoffrey ‘Otit’ Mambucon, Teacher Fe Matullano Lustanas and comedienne-entrepreneur Marietta “Pokwang” Subong.

 

 

Meanwhile, sa virtual interview ng Knorr, Camille shared na malamang daw ay mag-celebrate na sila ng Christmas sa 5-storey dream house nila ng husband na si VJ Yambao at mga anak nilang sina Nathan (sa first husband niya), Nolan at Nala.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Ikalimang taon na ito ng ‘national treasure’: VICE GANDA, tinanghal uli bilang ‘Most Trusted Entertainment & Variety Presenter’

    KASAMA uli si Vice Ganda sa mga pinagkakatiwalaang personalidad sa 2023 Reader’s Digest Trusted Brands awards.     Tinanghal ang “It’s Showtime” host bilang Most Trusted Entertainment & Variety Presenter, na binanggit ang kanyang likas na kakayahan na magpatawa at mapaiyak ng mga tao, na labis na nakaapekto at nakaiimpluwensya.     “His cultural impact […]

  • Pasig City ‘di makapagbukas ng dagdag na vaccination sites

    DAHIL sa kakulangan sa health workers na karamihan ay naka-quarantine kung kaya hindi makapagbukas ng dagdag na vaccination sites ang lokal na pamahalaan ng Pasig City upang sana’y mabakunahan ang mas marami nitong mamamayan.     Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, kulang sila sa mga tauhan na mangangasiwa sa vaccination sites dahil karaminan […]

  • ‘Cease and desist’ vs MRT 7, binawi ni Belmonte

    BINAWI na ni QC Mayor Joy Belmonte ang inisyung ‘cease and desist order’ sa ‘above ground construction’ ng Metro Rail Transit (MRT) 7 sa Quezon Memorial Circle station matapos na maplantsa ang mga usapin.   Ayon kay Belmonte, sa pulong ng mga opisyal ng QC Local Government Unit (LGU), EEI Corporation, San Miguel Corporation, Department […]