Bebot, 2 pang tulak timbog sa P100K shabu sa Navotas
- Published on May 30, 2023
- by @peoplesbalita
TATLONG hinihinalang tulak ng iligal na droga, kabilang ang isang bebot ang arestado matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City.
sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig na nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon mula sa isang confidential informant hinggil sa ilegal drug activities nina Adrian Jocson alyas “Jhey-Ar Baba”, 20, at Luz Clarita Brazas alyas “Luz”, 46, kaya isinailalim nila ang mga ito sa validation.
Nang positibo ang ulat, ikinasa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Cpt Luis Rufo Jr ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek dakong ala-1:25 ng madaling araw sa Gov. Pascual St., Brgy. San Jose matapos bintahan ng P3,000 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigit kumulang 11.6 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price (SDP) value na P78,880.00, buy bust money na isang P1,000 bill at dalawang P1,000 boodle money.
Bandang alas-12:40 naman ng madaling araw nang matimbog ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa E. Mariano St., Brgy. Tangos South si Henry Baltazar alyas “Boogie”, 49.
Nakuha sa kanya ang apat heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng humigi’t kumulang P34,000 halaga ng hinihinalang shabu, at isang P500 bill na ginamit bilang buy bust money.
Pinuri naman ni P/MGen Edgar Alan Okubo, RD, NCRPO ang Caloocan Police sa kanilang masigasig na kampanya para labanan ang nagpapakalat ng iligal na droga na nagresulta sa pagkakaarestop sa mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Danngerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
‘Wag lang magkuripot Alaska Milk: Manuel handang patali
MAAARI pa ring magpapako sa Alaska Milk ang naghihimagsik na si Victorino ‘Vic’ Manuel basta’t huwag lang magkuripot sa kanya ang Aces sa panibagong kontrata umpisa sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup sa Abril 9. Namutawi ito sa 33-taong-gulang, may 6-4 ang taas at tubong Licab, Nueva Ecija sa pagdalo sa Sports […]
-
Bong Go, tinanggalan din ng security escort
ISINIWALAT ni Sen. Bong Go na hindi lamang si Vice President Sara Duterte ang tinanggalan ng PNP ng security personnel sa pagsasabing maging siya ay dumanas din nito. Sinabi ni Go na tatlong linggo na ang nakalilipas ay tinanggalan din siya ng security ng PNP na kanya ring ikinabigla. […]
-
NAMARIL NA PULIS MAYNILA, PINAGHAHANAP
PINAGHAHANAP ng Manila Police ang kanilang kabaro matapos na umano’y barilin ang isang lalaki na nagresulta sa kanyang kamatayan at pagkakasugatn ang isa pa sa Tondo Maynila kahapon ng madaling araw. Hindi na umabot ng buhay sa Tondo Medical Center ang biktimang si Joseph Marga, 32, binata, elevator installer at residente ng Blk.6 JP […]