• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bebot na wanted sa carnapping sa Pangasinan, nalambat sa Navotas

ISINILBI ng pulisya sa loob ng piitan ng Navotas City Police Station ang warrant of arrest laban sa 27-anyos na bebot na wanted sa kasong carnapping sa lalawigan ng Pangasinan.
Nakakulong sa Navotas police si alyas “Rose Ann”, 27, nang mahuli ng pinagsanib na puwersa ng Navotas CPS SDEU team at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong Disyembre 16, kasama ang isang Chinese national sa buy bust operation dakong alas-6:16 ng umaga sa Road 10, Brgy. NBBN ng lungsod.
Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, nakumpiska sa mga suspek ang 2.226.6 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P15.1 million.
Sinabi ni Col. Cortes na nakakuha sila warrant of arrest na inilabas ng Lingayen, Pangasinan First Judicial Region Presiding Judge Rixon M. Garong ng Branch 37 laban kay alyas Rose Ann para sa kasong carnapping na may inilaang piyansa na P300,000.00 na isinilbi sa akusado ng mga tauhan ng SIS sa pangunguna P/Capt. Luis Rufo Jr sa loob ng selda.
Ayon kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, isa itong patunay na epektibo ang programa ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/BGen. Anthony Aberin na AAA Strategy o ang Able, Active and Allied na nagpapalawak sa kaalaman ng kapulisan sa police operation.
“I commends the Navotas City Police Station for their dedication and swift action in executing the warrant. This achievement highlights the unwavering commitment of the Northern Police District to uphold the law and ensure public safety,” pahayag pa ni Col. Ligan. (Richard Mesa)
Other News
  • DSWD, nagbigay ng P70 milyong halaga ng humanitarian aid sa Mindanao flood victims

    NAGBIGAY ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P70 milyong halaga ng humanitarian aid sa mga pamilyang naapektuhan ng malawakang pagbaha at landslides sa Mindanao.     Base sa pinakabagong ulat ng Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DROMIC), sinabi ng DSWD na 312,346 pamilya o 1,078,531 katao ang naapektuhan sa 652 […]

  • MMDA, pinayuhan ang mga supporters na iwasan ang magkalat sa panahon ng campaign rallies

    TINAWAGAN ng pansin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga supporters ng 2022 election candidates na iwasan ang pagkakalat kapag sumama sa campaign rallies.     “Ini-encourage natin ‘yung mga supporters ng atin pong mga kandidato na iwasan po yung pagkakalat,” ayon kay MMDA officer-in-charge General Manager Romando Artes.     Sinabi ni Artes […]

  • Contract packages ng Metro Manila subway nilagdaan

    SINAKSIHAN ni President Ferdinand E. Marcos ang paglagda sa contract packages para sa pagtatayo ng Metro subway na siyang magiging isang solusyon sa nararanasang traffic ng mga mamayan sa Metro Manila.       Sinabi President Marcos na ito na ang pagkakataon upang ang mga pamilya ay magkaron ng quality time dahil sa mababawasan na […]