DSWD, nagbigay ng P70 milyong halaga ng humanitarian aid sa Mindanao flood victims
- Published on February 8, 2024
- by @peoplesbalita
NAGBIGAY ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P70 milyong halaga ng humanitarian aid sa mga pamilyang naapektuhan ng malawakang pagbaha at landslides sa Mindanao.
Base sa pinakabagong ulat ng Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DROMIC), sinabi ng DSWD na 312,346 pamilya o 1,078,531 katao ang naapektuhan sa 652 barangay sa Regions XI, XII, at Caraga.
Nito lamang Lunes, nagbigay ang departamento sa mga apektadong pamilya ng P70,313,588 halaga ng food at non-food items, gaya ng sleeping kits at modular tents.
Sinabi ng DSWD na P3,333,069,216.11 ng relief resources ang nananatiling available.
Sa kabilang dako, nakapagtala naman ang DSWD ng 474 totally damaged at 658 partially damaged na kabahayan sa mga apektadong rehiyon.
Sinabi naman ni DSWD spokesperson Assistant Secretary Romel Lopez na ang departmento at local government units ay nakikipag-ugnayan para tulungan ang mga biktima.
“We are coordinating to better house them, especially maraming submerged areas pa tayo including our traditional evacuation sites. But we will facilitate to better improve their conditions,” ayon pa rin kay Lopez.
“As to our assets, we are working round the clock to provide assistance. As soon as we have the information, we can easily provide needed assistance,” dagdag na wika nito.
Sinasabing may 14,926 pamilya o 53,858 indibdwal ang kasalukuyang nanunuluyan sa 231 evacuation centers sa Regions XI at Caraga.
Samantala, may 81,811 pamilya o 300,579 indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa mga kamag-anak o kaibigan, habang may 96,737 pamilya o 354,437 indibidwal ang na-displaced sa Regions XI at Caraga.
Sa Region XI, sinabi ng DSWD na umabot na sa 18 katao ang death toll mula sa pagbaha at landslides habang 11 naman ang sugatan at tatlong indibidwal naman ang nawawala, “as of Tuesday.”
Ang mga munisipalidad ng Compostela, Monkayo, at New Bataan sa Davao de Oro at mga munisipalidad ng Bunawan at Rosario sa Agusan del Sur ang unang naiulat na naapektuhan ng tuloy-tuloy na low-pressure area noong Enero 29, 2024, ang tuloy-tuloy na LPA ang may bitbit na malakas na pag-ulan at pagbaha sa mga kalapit-lugar gaya ng lalawigan ng North Cotabato.
Ang “light to heavy rains” ay nagpatuloy hanggang Pebrero 2, dahilan ng karagdagang pagbaha at landslides sa Mindanao. Nawala lang ang LPA noong Pebrero 3. (Daris Jose)
-
Expanded Solo Parents, batas na
BATAS na ang Expanded Solo Parents Welfare Act matapos mag “lapse into law” kung saan nadagdagan ang mga benepisyong matatanggap sa gobyerno ng mga solo parents. Sa ilalim ng Republic Act 11861 na nag-aamiyenda sa ilang probisyon ng Republic Act 8972, lumawak ang mga pribilehiyo at benepisyo sa mga solo parents. […]
-
Fajardo papuwede na sa Abril – Austria
INALIS ni Leovino ‘Leo’ Austria ang agam-agam ng mga Philippine Basketball Association (PBA) at Beermen fan sa pag-absent ni June Mar Fajardo sa Gilas Pilipinas para sana sa 30th International Basketball Federation (Fiba) Asia Cup 2021 Qualifiet third window sa Clark sa Pebrero 15-23. Ginarantiyahan ng San Miguel coach na sigurado naman ang pagbabalik […]
-
Pagbubukas ng klase sa Setyembre, tuluy na tuloy na- Sec. Roque
TULUY-tuloy na ang pagbubukas ng klase para sa SY 2021-2022 sa darating na Setyembre 13, 2021. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ito’y matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Department of Education (DepEd) kaugnay sa nasabing school opening. Ani Sec. Roque, maaari nang magsimula ng mas maaga ang […]