Bed capacity ng NKTI at St. Lukes Medical Center napuno na
- Published on July 22, 2020
- by @peoplesbalita
Napuno na ang bed capacity ng St. Luke’s Medical Center at National Kidney and Transplant Institiute.
Ito ay matapos ang patuloy na paglobo ng mga pasyente na dinapuan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 ang naitakbo sa pagamutan.
Dahil dito ay naglabas ng pahayag ang dalawang institusyon na lumipat na lamang sa ibang pagamutan ang mga pasyente.
Ayon sa St. Lukes Medical Center, na ang kanilang intensive care unit sa Quezon City at Bonifacio Global City.
Maging ang kanilang mga kama sa emergency rooms ay napuno na rin kahit na dinoble ang kapasidad nito.
Nanawagan naman ng ayuda si NKTI executive director Rose Marie Rosete-Liquete, dahil sa dagsa pa rin ang mga dialysis patients mula sa ibang lugar at napuno na rin ang kanilang emergency room.
Ikinakabahala nito ang mga chronic renal patients dahil sila ay itinataboy sa ibang mga pasilidad.
Magugunitang umabot na sa 174 na mga nurses, neprhologist, internist at medical technologist ang nagpositibo sa coronavirus sa NKTI. (Daris Jose)
-
Pinagbigyan na rin ang request ng followers: BEA, umamin na siya ang nag-initiate ng ‘first kiss’ nila ni DOMINIC
MAY pakilig si Bea Alonzo sa bagong upload niya sa kanyang YouTube account. Pinagbigyan na nito ang matagal nang nire-request sa kanya ng mga subscribers na interbyuhin si Dominic Roque. Mas seloso daw si Dominic sa kanilang dalawa. Pero ayon kay Bea, ang pinagseselosan daw ni Dom ay hindi tao o lalaki, kung […]
-
APPLE ORIGINAL FILMS UNVEILS NEW FEATURETTE, “AN INSIDE LOOK”, FOR MARTIN SCORSESE’S HIGHLY ANTICIPATED “KILLERS OF THE FLOWER MOON”
APPLE Original Films has unveiled a new featurette, “An Inside Look”, for Martin Scorsese’s highly anticipated “Killers of the Flower Moon.” Starring Leonardo DiCaprio, Robert De Niro and Lily Gladstone, “Killers of the Flower Moon” will premiere in theaters around the world, including IMAX® theaters, on October 18. Watch the featurette below: https://www.youtube.com/watch?v=0kMqhNgM58Y At the turn of […]
-
SSS MEMBER NA APEKTADO NG COVID-19 MAAARI NANG MAG-CALAMITY LOAN
Tumatanggap na ng aplikasyon ang Social Security System (SSS) para sa mga miyembro na lubhang naapektuhan ng Coronavirus Disease 2019 pandemic sa ilalim ng Calamity Loan Assistance Program (CLAP). Inaasahan ng SSS na may 1.74 milyong miyembro nito ang makikinabang sa CLAP kung saan maaaring makautang ng hanggang Php 20,000 depende sa monthly salary credit […]