• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Beli Bell, Bishop Blue pinagtalunan sa 2020 PHILRACOM

NAGDISKUSYON ang dalawang panatiko ng karera para sa nakatakda sa Marso 15 na 2020 Philippine Racing Commission (PHILRACOM) Three-Year-Old Maiden Stakes Race sa San Lazaro Leisure Park, Caromona, Cavite.

 

Halos mag-umbagan na sina Crisostomo Arguelles at Eugene Quiltan na parehong unang softdrinks sa isang tindahan na malapit sa dating karerahan sa Maynila.

 

Para kay Arguelles, patok aniya ang kabayong si Beli Bell dahil wala pang talo lalo pa’t si star jockey Jonathan Hernandez ang magdadala sa renda nito.

 

Binara siya ni Quiltan, na kinainisan ni Crisostomo dahil may halong angas ang mga pananalita.

 

Giniit ni Quiltan na lahat ng super horse sa karerahan ay nakatikim ng pagkabigo bago nagpapanalo. At hinirit niyang si Bishop Blue na ang tatalo sa Beli Bell.

 

Dahilan para magkasigawan ang dalawa, pero naawat naman agad ng mga nakikinig sa kanila, huminahon lang ang nagdedebate nang susisain sila ng isa pang karerista kung napanood na ang dalawang kabayo sa ensayo.

 

Pareho ang sagot nina Arguelles at Quiltan, hindi pa.

 

Makakalaban ng dalawa sina Carttierruo, Cat’s Magic, Drummer Girl, Laguardia, Sky Commander, Top Czar at Zibarawana sa may guaranteed prize na P1.2M racing event na may distansyang 1,500 meters.

 

Mabibiyaan ng P720,000 ang may-ari ng unang kabayong tatawid sa meta, P270,000 ang hahamigin ng pangalawa habang may P150,000 at P60,000 ang mga tetersera at pang-apat. (REC)

Other News
  • PDu30, nagtalaga ng dalawang bagong CHEd Commissioners

    ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sina Jo Mark Libre at Marita Canapi bilang mga bagong komisyonado ng Commission on Higher Education (CHEd).     Papalitan ni Libre si outgoing commissioner Perfecto Alibin habang papalitan naman ni Canapi si Lilian de las Llagas, kung saan ang termino ay nagtapos noong sa Hulyo 21, 2021.   […]

  • Ads February 17, 2023

  • Bakuna para sa COVID-19 baka magawa sa 18 buwan

    Sinabi ng World Health Organization (WHO) na posibleng magkaroon na ng unang bakuna laban sa novel coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos ang 18 buwan.   “It may be 18 months before the first vaccine is available, so we have to do everything today, using available weapons,” pahayag ni WHO director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus sa isang […]