US FDA nagbigay na nang ’emergency authorization’ sa COVID-19 vaccine ng Pfizer
- Published on December 12, 2020
- by @peoplesbalita
Pormal nang inirekomenda ng US Food and Drugs Administration (FDA) ang pagbibigay authorization sa COVID-19 vaccine ng Pfizer.
Inilabas ang emergency use authorization (EUA) matapos ang ginawang virtual meeting ng 21 Vaccines and Related Biological Products Advisory Committee.
Mayroong 17 sa mga expert panel ang sumang-ayon sa pagbibigay authorization sa bakuna habang apat naman ang tumutol sa paggamit para sa edad 16-anyos pataas.
Magugunitang nauna nang inihayag ni US President Donald Trump ang mabilisang pagbibigay ng authorization nila sa COVID-19 vaccine ng Pfizer/BioNTech.