• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Belmonte, mga kaalyado sa Quezon City naghain ng COC

“HIGIT na palalakasin ang mga premyadong programa tulad ng social services, health, education at shelter kapag pinalad na maging alkalde muli ng Quezon City sa darating na May 12 election sa susunod na taon.”

 

 

Ito ang sinabi ni Mayor Joy Belmonte kasabay ng kanyang paghahain ng certificate of candidacy (COC) pasado ala-1 ng hapon kahapon sa Amoranto Sports Complex, Quezon City para sa muling pagtakbo nito bilang alkalde ng lungsod.

 

 

Sa tanong ng media kung anong masasabi nito na “unbeatable” siya at walang lalaban sa kanya, sinabi ni Belmonte na unang araw pa lang naman ng filing at hindi pa alam kung talagang walang makakalaban sa mayoral race.

 

 

Si Mayor Joy ay sinamahan ng kanyang ama na si dating Speaker at dating QC Mayor Sonny Belmonte, Kit Belmonte at iba pang kapamilya sa kanyang paghahain ng COC.

 

 

Kasabay ni Mayor Belmonte na nag-file ng COC sina QC Vice Mayor Gian Sotto para sa kanyang re-election bid.

 

Sinabi ni Vice Mayor Sotto, ang mga programang pangpamilya ang prayoridad na ipatutupad kapag nasungkit ulit nito ang puwesto sa halalan.

 

 

Kabilang pa sa mga nag-file ng kandidatura sa pagkakonsehal ang mga kaalyado ni Mayor Belmonte na sina City Councilors Charm Ferrer, TJ Calalay, Bernard Herrera, Gabriel Atayde, at Majority floor leader Doray Delarmente mula sa District 1.

 

 

Mula sa District 2, sina City Councilor Fernando Michael “Mikey” Belmonte at Candy Medina at sa District 3 ay si City Councilor Gelyn Ge Lumbad, Wency Lagumbay at baguhang nais pumasok sa pagkakonsehal sa District 3 na si Chackie Antonio.

 

 

Nagsampa rin bilang re-electionist sa District 4 sina Councilors Nanet Daza, Irene Belmonte at Egay Yap, habang sa District 5 sina Councilors Alfred Vargas at Aiko Melendez, at tatakbo ring konsehal ang artistang si Enzo Pineda. (Vina De Guzman)

Other News
  • PBBM, ipinag-utos ang pagkumpleto sa water-related projects sa April 2024

    SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipinag-utos niya sa mga  kinauukulang ahensiya ng gobyerno na kompletuhin ang  water-related projects sa April 2024 bilang paghahanda para sa epekto ng El Niño phenomenon.     Sa isinagawang ina inagurasyon ng Balbalungao Small Reservoir Irrigation Project (BSRIP) sa Lupao, Nueva Ecija, winika ng Pangulo ang pamgangailangan […]

  • Umano’y pagpapalayas ng China sa PH Navy, propaganda lamang ayon kay AFP Chief Brawner

    MARIING itinanggi ng Armed Forces of the Philippines ang naging pahayag ng China hinggil sa umano’y pagpaalis nito sa barko ng Philippine Navy sa bahagi ng Bajo de Masinloc shoal.     Ito nga ay matapos ang inilabas na statement ni China Coast Guard spokesman Gan Yu kung saan sinabi nito na tinaboy daw ng […]

  • PBBM, lumikha ng Inter-Agency Committee para sa Right-of Way Activities para sa Railway Projects

    LUMIKHA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng isang Inter-Agency Committee for Right-of Way (ROW) Activities para sa National Railway Projects para i- streamline ang proseso ng land acquisition na kailangan para sa implementasyon ng lahat ng railway projects sa bansa.     “The Inter-Agency Committee for ROW Activities for National Railway Projects (Committee) is […]