• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ben&Ben nanguna sa bandang pinakikinggan ng Spotify

Nanguna ang bandang Ben&Ben sa most streamed artist sa Spotify ngayong taon sa bansa.

 

Ayon as streaming platform nakuha ng 9-member group ang unang puwesto sa international at local act base na rin sa kanilang tally.

 

Sumunod sa kanila ang singer na si Moira dela Torre, Matthaois, December Avenue at Parokya ni Edgar sa local acts.

 

Habang sa sumusunod naman sa kanila sa international act ay ang BTS, Taylor Swift, Justin Bieber at BlackPink.

 

Dalawang kanta rin nila ang kasama sa pinakikinggan na local songs ito ay ang “Make it With You” na nasa pangalawang puwesto at “Pagtingin” na nasa pangatlong puwesto.

 

Nasa unang puwesto bilang pinakikinggan na kanta kasi ang “Imahe” ng Magnus Heaven , “Teka Lang” ni Emman na nasa pang-apat na puwesto at “Hindi Tayo Pwede” ng The Juans.

Other News
  • Sara nanguna sa presidential, Duterte sa VP – survey

    Si Davao City Mayor Sara Duterte ang napipisil ng mayorya ng mga Pinoy na maging susunod sa pangulo ng bansa sa nalalapit na May 2022 elections habang si Pangulong Rodrigo Duterte naman sa pagka-bise presidente.     Base sa resulta ng Pulse Asia survey na inilabas kahapon, 28% ng mga Pinoy adults ang boboto kay […]

  • Clippers star Kawhi Leonard inoperahan sa tuhod

    Sumailalim sa operasyon sa kanyang tuhod si Los Angeles Clippers star Kawhi Leonard.     Ang operasyon sa kanyang torn knee ligaments ay siyang dahilan ng hindi niya pagsali sa walong laro ng Clippers sa playoffs.   Natamo ang nasabing right knee injury sa laban ng Clippers sa Utah Jazz.     Dahil sa injury […]

  • P3-M bagong logo ng PAGCOR inulan ng batikos

    INULAN  ng batikos ang itsura ng bagong labas na logo ng Philippine Amusement and Gaming Corp. sa ika-40 anibersaryo nito — bagay na nagkakahalaga ng P3.03 milyon ayon mismo sa gobyerno.     Martes nang ibunyag sa publiko ang naturang logo sa Marriott Hotel Manila, na siyang dinaluhan pa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First […]