• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Benepisyo ng infrastructure projects ng Duterte Administration- PCOO

RAMDAM na ang benepisyo ng Build, Build Build project ng Duterte Administration sa pagluwag ngayon ng Edsa.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar na nagbunga na ang
infrastructure projects ng pamahalaan.

Aniya, kapansin- pansing mas mabilis na pagbiyahe sa Edsa kasunod ng pagbubukas ng NLEX- SLEX Skyway kamakailan na na- obserbahan din ng mga motorista.

“Nakikita natin ngayon ang kahalagahan ng infrastructure projects sa decongestion ng EDSA, pati na rin sa paghahanda laban sa mga natural disasters natin. Kaya nga isa sa mga pangunahing pinagtutuunan ng pansin ng pamahalaan ay ang Build Build Build at kita ang benepisyo nito sa EDSA decongestion,” ayon kay Sec. Andanar.

Bukod pa sa nagbigay din ng mas maraming trabaho at tiyak na makaka- ambag din sa paglago ng ekonomiya ang nararamdaman nang epekto ng EDSA decongestion.

At sa bawat tulay at daang ginawa aniya sa ilalim ng Build, build, build ay may napagkalooban ng trabaho at lubhang nakapag- pasigla sa ekonomiya ng bansa. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM sa ₱20 per kilo na bigas ‘We’re doing everything’

    SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ginagawa ng kanyang administrasyon ang lahat ng makakaya nito para matupad ang kanyang 2022 campaign promise na bawasan ang presyo ng bigas sa ₱20 kada kilo.     Araw ng Lunes, inamin ng Pangulo na hindi pa nya natutupad ang kanyang pangako.     “Iyon pa rin ‘yung […]

  • Hinay-hinay sa mga pahayag sa COVID-19 situation

    Umapela kahapon ang Department of Health (DOH) sa mga ‘independent experts’ na magdahan-dahan sa pagpapalabas ng mga pahayag ukol sa sitwasyon ng bansa sa COVID-19 pandemic kasunod ng paglilinaw na wala pang nangyayaring bagong ‘surge’ sa Metro Manila.     Kasunod ito ng pahayag ng OCTA Research Group na nag-umpisa na ang bagong COVID-19 surge […]

  • Piolo Pascual, nag-donate ng 100 bisikleta sa Naga City

    Nag-donate ng 100 mga bisikleta si Piolo Pascual sa lungsod ng Naga.   Sa inilabas na impormasyon ni Naga City Mayor Nelson Legacion, nabatid na ito ay kaugnay ng proyekto ni Gretchen Ho na “Donate a Bike, Save a Job”.   Layunin aniya ng naturang kampanya na makatulong sa transportasyon at hanapbuhay kung saan naipamahagi […]